Kinurutan ang manok? Isang customer, dismayado sa natanggap na order mula sa delivery rider dahil bawas na daw ang chicken






Dismayado ang isang customer nang matanggap niya ang kanyang inorder na manok sa isang fastfood chain sa pamamagita ng food deliver app, dahil ayon sa netizen na si Kathlee Magat, ‘kinurutan’ umano ang kanyang chicken.
 
Naghinala umano si Kathleen na pinakialaman ang kanyang pagkain nang makita ang hitsura ng pagkakabalot nito at nang makita na nga niya na wala nang balat ang manok na order niya.




 
Tanggal umano ang pagkaka scotch-tape ng balot na plastic at pati na ang box na pinaglagyan ng pagkain, na 4 na pirasong fried chicken. At sa loob nito ay tumambad sa customer ang manok na kinurutan ng balat at wala din ang order niyang French fries. 
 
Laking pagka dismaya talaga ni Kathleen dahil ayon sa kanya ay madalas pa daw siyang magbigay ng tip sa mga delivery rider lalo na kung halata na sa mga hitsura nito ang pagod sa mag hapong trabaho.



 
"Hindi naman ako madamot, nag bbgay ako ng tip sa rider lalo na pag alam kong mukang pagod na sa byahe" aniya na may kalakip na screenshot ng isang mensahe mula sa isang rider na nanghihingi ng tip.
 
"nag bigay nman ako ng tip pero pag check ko ng pagkain kulang kaya hinabol ko para inform sya na pakibalikan nmn ung kulang na order. Kinuha nya lng yung resibo ko pero di na bumalik, hindi man lang nga nag pasalamat."
 
"Ang laki laki pa ng katawan nya hindi naman sya mukhang nakakaawa mukhang ako pa nga nakakaawa dhil hindi ko nakuha pagkain ko pero nag bayad ako ng kumpleto." Anyo pa sa customer




Trending na ang post na ito ni Kathleen sa kasalukuyan at may mga naglabas din ng kaparehong karanasan sa delivery rider, ngunit ayon naman sa iba, kawawa naman ang mga matitinong rider na nadadamay. 


Dahil nag viral na ang post na ito ni Kathleen, inaasahan din ng mga netizens na tumugon ang kumpanya ng delivery app.
 
 

Post a Comment

0 Comments