Boy Tapang at GF na minsang na-KMJS ang love story, forda content lang pala lahat at naggamitan lang?




Mabilis na kuma-kalat ngayon sa social media ang kinahinatnan ng love story nina LJ Satterfield at Ronnie Suan o mas kilala bilang si “Boy Tapang,”.
 
Mapapansin sa kani-kanilang mga social media account ang kanilang mga pahayag at binitawang mga salita tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.
 
Naunang nagpost ng makahulugang Facebook story si Bong Tapang sa mismong araw ng mga puso.
 
Aniya, “Kung may mawawala, may dadating. Happy Valentine’s Day sa lahat!”
 
Di naman ito agad pinalampas ng mga netizens at napansin nga na walang nang bagong vlog si Boy Tapang kasama siu LJ. 
 
Kaya marami ang nagtanong kung hiwalay na ba sila.
 
Kung matatandaan ay naitampok pa ang dalawa sa show na “Kapuso Mo Jessica Soho” at dito ay ni-reveal nila kung paano sila nagkakilala ni LJ.
 
Makalipas ang limang buwan ay nagkaalaman na nga kung ano ba ang totoong nangyari.
 
At nitong February 9 nga ay binuking ni LJ na ang love story nila ni Boy Tapang ay kanilang napagkasunduan para lang sa content.
 
“YES ITS ONLY FOR TANDEM!!! And all I did is do my part. And make it work. As content creators, this is a normal thing.. At alam ng mga creators yan. Pero ikaw nag-guide sakin dahil wala akong alam sa pagyou-youtube. i trusted you . And you trusted me too. Pero bat napunta tayo dito? Dahil din sayo. Alam mong palagi kita pinagtatakpan kahit palagi tayong nag aaway sinasabi ko pa rin.. mabait ka.. dahil ayokong sirain ka. ALAM MO YAN AT ALAM YAN NG MGA KAIBIGAN NATIN. Ikaw ang post ng post sa story mo. Palagi pa kitang sinasabihan na huwag ganun. Pero ayaw mong makinig. “ panimula ni LJ sa kanyang mahabang post


Mula sa Facebook post ni LJ Satterfield


 
“Palagi mo ako ginagawan ng green jokes at pansin yan ng commenters. palagi mo ako binabastos sa vlogs natin pero I always keep my cool para lng maganda ang content. Kahit pinipilit mo ako gawin mga bagay na ayaw ko sana..” dagdag pa ng social media personality
 
Binahagi din ni LJ sa kanyang post ang conversation nila ni Boy Tapang.



 
Samantala, humingi na rin ng paumanhin si Boy Tapang sa kaniyang followers dahil sa ginawa nilang gimik ni LJ. Aniya, hindi niya deserve ang isang ‘toxic” na babae.

Inamin naman ni Boy Tapang na siya talaga ang naunang nagmessage kay LJ at inamin din daw niya sa huli na inlove nga siya dito.




"ngayon alam niyo na sino nanggamit? Oo, totoo naman talaga na ako talaga yung una nag chat sa kanya syempre lalaki ako. Ako talaga yung una mag chat at yun nga totoo naman talaga na amaze ako sa ganda ng awra niya at ganon rin sa ugali kasing ganda niya đŸ˜† Umamin pa ako sa kanya na inlove ako sa kanya kaso binabaliwala niya kasi may boyfriend yan. " ayon naman sa post ni Boy Tapang nitong Sabado
 
 
 
 

Post a Comment

0 Comments