RR Enriquez slams Dawn Chang: Paniniwala mo lang ang importante? Yung paniniwala ni Toni hindi?


Larawan mula sa Google (ctto)


Pinagtanggol ni RR Enriquez si Toni Gonzaga kamakailan laban sa patutsada ni Dawn Chang isang dating PBB housemate sa bahay ni Kuya.

Sa isang social media post ay pinatamaan ni Dawn si Toni dahil sa pagsuporta sa mga politiko na inakusahan ng maling gawain noon at humarang na ma-renew ang prangkisa ng kanilang home network na ABS CBN.

“I am deeply insulted and disappointed by the actions of my fellow Kapamilya actress Ms. Toni Gonzaga,” she said. “Paano niyo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may malupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa at sa pagkawala ng trabaho ng mga kasama natin sa industriya? As a former PBB housemate, alam kong magtatampo niyan si Kuya.” Ayon sa post di Dawn

At dahil dito hindi napigilan ni RR na salungatin si Dawn sa kanyang mga sinabi at aniya, nanindigan lamang si Toni sa kung ano ang pinaniniwalaan niya.

“I just believed that Toni stood up to what she believes in,” panimula ni RR

“So if Dawn Chang say’s she will forever cherish standing up to what she believes in… My question is…… So ikaw pwede mag make stand?! Si Toni hindi???? So yung paniniwala mo lang ang importante??? Yung paniniwala ni Toni hindi,” dagdag pa niya


Larawan mula sa Google (ctto)


Sinabi din ng dating dancer na hindi dapat isisi sa anak kung may nagawang mali ang magulang.

“Ya’ll live in the past kaya puro hatred nasa heart nyo…kilalanin nyo yung tao. Upuan nyo..Maybe nagawa ni Toni yun at nakilala niya sila Marcos kaya she chose to support Marcos…” dagdag pa ni RR

Binalikan din ni RR ang mga pagkakamaling ginawa umano ng ABS-CBN laban sa sarili nilang mga empleyado, tulad ng biglaang pagtanggal sa ilang cameramen ng Kapamilya network.

“Natatandaan ko dati during my time sa Wowowee napabalita yung mga nag rally na mga cameramen at iba pang mga empleyado ng abs cbn dahil bigla sila tinanggal ng Abs Cbn ng walang kalaban laban… There’s a lot of things happened na hindi kumpleto ang knowledge natin so please stop blaming Toni kung ano napili nya.” Ani RR sa kanyang mahabang post

 

 

Post a Comment

0 Comments