Larawan mula sa Twitter |
Cancel culture? Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang mga larawan
nina Direk Paul Soriano, vlogger-actress-TV host Alex Gonzaga, at komedyanteng
si Brod Pete, na pumunta sa headquarters ni presidential candidate Bongbong
Marcos o BBM.
Dahil dito umani ng batikos sa mga netizens sa Twitter ang naturang
mga larawan na tila nagkaroon ng pagtitipon sa kabila ng pananalasa ng bagyong
Odette.
“TINGNAN: Spotted sa Headquarters ni Presidential aspirant
Bongbong Marcos sina Paul Soriano, TV actress/host at vlogger na si Alex
Gonzaga at Herman Salvador o mas kilala sa tawag na Brod Pete. #BBM2022,” ayon
sa caption
Larawan mula sa Twitter |
Samantala, agad naman nilinaw na ang naturang event ay
naganap bago pa nanalasa ang bagyong Odette sa kabisayaan.
Gayunpaman, may mga netizens na nawagan na i-boycott o ipa-cancel
sina Direk Paul Soriano, Alex Gonzaga, at Brod Pete dahil suporta nila kay BBM.
Nadamay din dito ang TV host-actress-vlogger na si Toni
Gonzaga.
“Boycott the Gonzaga sisters YouTube account and upcoming
movie. Toni and Alex don’t deserve support and admiration. Popular artists who
can’t use their brains well.”
“Dapat di na lang kayo nag-post kung di na talaga kaya
makansela, nakakahiya kayo. Sobra insensitive.”
“Nakakalungkot ‘tong Gonzaga sisters, bible-bible pero
support sa mga buwitre at mandarambong.”
Kung mayroong nanawagan na icancel sila ay mayroon din
namang nagtanggol at sinabing karapatan din nila na namili ng mga kandidatong
gusto nilang suportahan.
“Hayaan ninyong suportahan nila ang mga kandidatong
napipisil nila. Nasa democratic country tayo. Wala na rin kayong pagkakaiba sa
mga kinaaayawan ninyo, bakit ginigiit ninyo gusto ninyo?”
“Daming alam, it’s their choice. Akala ko ba may FREEDOM OF
EXPRESSION? Freedom to choose. Iba-iba po tayo ng political views, lahat may K
kung sino gustong suportahan.”
“Naku po ang mga tao talaga ano paki nyo
kung cno ang gusto brod pete,toni,paul and alex suporta kame sa gusto nyo bbm
lahat dito sa amin we love u all.”
“Lahat ng tao me karapatan pumili ng
gusto nila. Me mga sariling pag iisip ang mga yan. Mas lalong hindi kahanga
hanga ang taong sunod sunuran lng sa gusto ng iba.”
0 Comments