Winnie Monsod on Sara vs. Leni: Ano bang nagawa ni Duterte? Robredo is the 'better choice' for President


 

Sinabi ni dating Socioeconomic Planning Secretary Winnie Monsod na si Bise Presidente Leni Robredo ang magiging “mas magandang kandidato” para sa pagka pangulo sa darating ng halalan sa 2022 kaysa kay Davao City Mayor Sara Duterte, na mas madalas manguna sa mga survey.

Sa kolum ni Monsod noong Setyembre 4 sa Inquirer, tinawag niyang “product of dynastic politics” si Duterte at kanya namang inilarawan si Robredo bilang isang politiko na may “malinis na kamay at puso.”

“Sara has been active in politics since 2007, with a hiatus in 2013-2016, as vice mayor and then as mayor, with either father or brother as her running mates. Product of dynastic politics.” Ayon pa sa bahagi ng kolum ni Monsod.

Ayon pa sa manunulat, wala daw siyang makitang impormasyon sa Google tungkol sa mga naging proyekto or kahit anong aktibidad ni Duterte bilang isang political reader.

“I do remember a picture of her assaulting a sheriff who was trying to do his duty. On the other hand, Leni Robredo has the Sumilao Farmers’ Express, the Sentro ng Alternatibong Lingap Panligal, which extends legal support to the needy, and the Lakas ng Kababaihan ng Naga under her belt.” Dagdag pa ni Monsod.

“Another, and perhaps the most important, difference between the two, is that Leni will come into the presidency with clean hands and a clean heart. No political baggage: She is a widow, her children have no political ambitions, so the corruption potential is minimized. Only remember our previous women presidents who had to contend with either spouse, children, or siblings.” Ayon pa sa dating Socioeconomic Planning Secretary

Sa kanyang paghimok sa mga botante sa 2022, sinabi ni Monsod:

“Think of it, folks. Wouldn’t you like to have, finally, a leadership approach that is nurturing, moral, and reconciliatory, after five years of the opposite?”

 

 

 

Post a Comment

0 Comments