Mayor Richard Gomez pinakita ang tamang pagpapatupad ng social distancing nang sinagawa ang isang programa ng DOLE

 



Sa kasagsagan ng usapin tungkol sa di magandang kaganapan dahil sa community pantry ni Angel Locsin ay binahagi naman ni Mayor Richard Gomez sa kanyang Facebook page kung paano nila pinamunuan ang pamamahagi ng payout mula sa isang programa ng DOLE.

Makikita sa mga larawan na maayos itong naisagawa habang sinusunod ang health protocols.

Sa ganito kalaking mga pagtitipon na hindi maiiwasan ay mahigpit na ipinatutupad ang mga health protocols para maiwasang kumalat ang virus.

Larawang mula sa City Government of Ormoc | Facebook


Dahil dito, hinangaan ng marami ang dating aktor na si Goma sa maayos nitong pagpapatupad ng mga patakaran upang masunod ang social distancing, ngunit malaki din ang naging ambag ng mga tao dahil sa pagsunod nila.

“This is how we organize our activities in Ormoc City. I always want to make sure that people come and leave in an orderly manner, all the time.” Ayon sa caption ng alkalde sa kanyang Facebook page.

Makikita sa kanyang post na maayos nakapila at nakaupo nang may tamang social distancing ang mga taong kukuha ng kanilang payout.

Lahat ay nasa loob ng isang dome at walang makikita na nakatayo habang naghihintay sa pila.

Larawang mula sa City Government of Ormoc | Facebook


Ang programang ito ay tinawag na DOLE Tupad-Payout na may kabuuang halaga umano na Php 6 million.

Ito ay dinaluhan ni Mayor Goma kasama ang kanyang may-bahay na si Representative Lucy Torres-Gomez, kasama sina Labor Secretary Silvestre “Bebot” H. Bello at iba pang opisyal ng lungsod at DOLE.

Post a Comment

0 Comments