Photo from Philstar |
Walang ibang masabi si Defense Secretary Delfin Lorenzana para kay Pangulong Rodrigo Duterte kundi respeto at pagmamahal para sa kanyang boss at kaibigan.
Kamakailan ay nag post si Lorenzana ng limang katangian ng Pangulo sa ika-76 na kaarawan nito noong Marso 28.
Inaasahan niyang ang mga personal na elemento ng Pangulo, mula sa kanyang kabaitan hanggang sa pagpapatawa, ay makakatulong na higit na makilala ng mga tao ang dating alkalde ng Lungsod ng Davao.
“A lot of people ask why he’s the highest rating President ever, from the time he assumed office up to now. Ito ay dahil nararamdaman ng mga mamamayan ang tunay na serbisyo. Sa kabila ng mga pagbatikos ng ilan sa kanyang pamumuno, hindi sapat ang mga ito upang mawala ang paggalang at tiwala ng karamihan sa mga mamamayan sa kanya bilang isang lider at ama ng bayan,” ayon sa Defense secretary
“For his 76th birthday, let me introduce him to you in a more personal way. Here are 5 things you may not know about the President,” ani Lorenzana
Narito ang mga katangian ni Pangulong Duterte na inisa-isa ni Lorenzana:
"1. He is selfless. Malambot ang kanyang puso sa mga mahihirap,”
"2. He listens. We’ve had our fair share of contradicting ideas but despite his high rank, he respected my opinion and position,”
Sinabi ni Lorenzana na mabait si Duterte, kahit sa mga pinaghihinalaang mga kaaway ng estado. Naglaan din ang pangulo ng pondo upang magbigay ng tirahan, lupa at kabuhayan sa mga rebeldeng komunista na sumuko sa mga awtoridad.
“He’s genuinely kind,” aniya
"3. Noong nalaman niya na malaking halaga ang ginagastos sa ating kampanya laban sa mga NPA, iniutos niyang gamitin ang porsyento nito para hikayatin silang bumaba at tustusan ang pagkakaroon nila ng pangkabuhayan, lupa at bahay. Kaya nagkaroon ng Task Force Balik-Loob para sa mga rebeldeng nais magbalik-loob sa lipunan,”
“4. He has a humorous side. He always jokes that I am pro-US and even called me a CIA agent because I lived in the US for 14 years. The opposition calls him pro-China but we are neither. We are ardent pro-Filipinos,”
“5. He’s very old school. He still uses an old analog phone, I think it’s a Nokia 2110 or 3110 model,”
0 Comments