Photo courtesy of Facebook @Gledien Jimenez |
Pinaghahanap pa hanggang ngayon ng mga pulis ang mga sinasabing bumugbog sa isang curfew violator na mga pawang Barangay tanod volunteer umano sa barangay sa Calamba, Laguna.
Ayon sa balita, isang 26 anyos na binata na kinilalang si Ernanie Lumban Jimenez ang nasawi matapos magtamo ng mga pasa, basag sa bungo at iba pang mga sugat dahil umano sa pangbubugbog ng mga tanod nang mahuli itong lumabag sa curfew.
Base sa police repot, nawalan ng malay ang biktima, matapos magtamo ng mga sugat sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan bandang 11 ng gabi, nitong Miyerkules sa Barangay Turbina.
Naisugod pa sa Calamba Medical Center Hospital ang binata noong Biernes, ngunit hindi na ito pinalad at binawian na ng buhay sa nasabing ospital.
Ayon pa sa report ng Laguna police spokesperson, galing umano sa paghahanap ng trabaho si Jimenez, nang nahuli ito ng mga barangay tanod na nagbabantay sa curfew.
Ngunit dagdag pa ng representante mula sa Brangay Turbina, nagtangka umanong tumakas ang binata matapos itong magpaalam na iihi lmanag,
"Sa side nung barangay, sinabing nagkahabulan sila dahil umano nagtangkang tumakas ito. Sa pagkahabulan ay nadapa o natapilok ang tao kaya po siya ay natumba at nabagok ang ulo," pahayag ni Gaoiran sa ABS-CBN's Teleradyo.
Taliwas naman ito sa salaysay ng mga kaanak ng biktimang, ayon sa mga kaanak, sinipa umano ang biktima na syang dahilan para bumagsak at tumama ang ulo nito sa cemento.
"Sa side ng victim, ito ay minaltrato at binugbog kaya 'yun po ang sanhi na siya ay natumba at nabagok ang ulo," dagdag pa ni Gaoiran, spokesperson ng Laguna police.
Alam na ang pagkakakilanlan ng mga suspek na brgy. tanod, ayon sa mga pulis na sina Arjay Abierta and Joel Ortiz.
Hinihintay pa ng mga otoridad ang death certificate at resulta ng otopsy ng biktima na kasalukuyang nakaburol sa Quezon kung saan ay duon na din ililibing ang biktima.
"Hanggat sa maaari di kami magkukulong unless may talagang compelling reason para gawin ito." ani Gaoiran.
Matatandaang naibalita nito lamang nakaraang Linggo ay may namatay din dahil sa pang-aabuso ng mga nagpapatupad at nagbabantay sa curfew hours.
1 Comments
Days when sports betting is higher and poker video games are on hearth; 바카라 사이트 it could possibly} simply attain a lot as} 3000 players. Make at present the time to play with the top video games from Pragmatic Play! Home of award-winning slot video games including the popular Big Bass Bonanza, the Egyptian-themed Might of Ra, and the cuddly Dog House series of video games.
ReplyDelete