Suspek sa pag-atake sa isang matandang Filipina sa New York, arestado at kinasuhan na

 

Photo from Twitter


Nahuli at naaresto na ang lalaking pinaghahanap na nambubog ng isang 65-taon na Filipina sa sa Times Square sa Manhattan, New York City kamakailan lang.

Ang lalaki ay arestado at sinampahan ng kasong felony assault, ayon sa pulisya ng lungsod nitong Martes.

"Thanks to assistance from the public and excellent investigative work by @NYPDHateCrimes Detectives, the individual wanted for Monday’s assault of a 65 year-old Asian female, at 360 West 43rd St, was arrested and charged with Felony Assault as a Hate Crime," ayon sa pahayag ng New York Police Department sa Twitter nito.

Sa ulat ng New York Times noong Lunes, ang biktima na si Vilma Kari, isang immigrant, ay naglalakad sa isang sidewalk malapit sa Times Square nang bigla siyang sipain ng suspek sa tiyan.

Natumba si Kari habang ang salarin ay patuloy pa rin siyang sinisipa habang sinusubukan nitong bumangon.

Sa isa umanong update, kinilala ng New York Times ang suspek na si Brandon Elliot, 38.

 "Mr. Elliot was released from prison in 2019 and was on lifetime parole after he was convicted of fatally stabbing his mother in 2002, the police said." ayon pa sa New York Times

Sinigawan pa umano ni Elliot ang biktima at sinabing "You don’t belong here.”


Post a Comment

0 Comments