Enchong Dee umalma kay PRRD, 'Stop using flowery words to cover your failure!'

Photos courtesy of onemusicpn and ABC5


Muli na namang naglabas na sama ng loob ang aktor na si Enchong Dee laban sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang press conference kagabi. 


Sa talumpati kagabi ni Pangulong Duterte, sinabi nito na gusto na niyang masolusyonan at maalis na ang krisis na dulot ng pandemiyang COVID-19.


Ani ng Pangulo, “kung nandiyan lang sa akin ‘yong poder na like a magic wand na maalis kaagad itong problema natin, mawala, gagawin ko.” 


Ngunit sa kabila nito, hindi ikinatuwa ng aktor na si Dee ang nasabing salita na Pangulo. Kaya naman nagbigay din ito ng sarili nyang saloobin, para kay Enchong, isang taon na daw ang binigay ng taumbayan kay Pangulong Duterte at sa mga tauhan nito para isaayos ang krisis sa pandemya.


"What magic wand?! The reality is we have to live with the fact that you are our president - that is your magic wand! We gave you and your minions 1 year and billions of pesos to solve it and look where we are now?! Stop using flowering words to cover your failure!" pahayag ni Enchong Dee tungkol sa sinabi ng pangulo.


Inulan sari-saring reaksyon ang mga netizen sa pahayag na ito ni Dee na kilalang matagal ng galit sa administrasyong Duterte. Narito naman ang ilan sa mga naging reaksyon ng mga netizen sa pahayag ng aktor.


"Akala mo kung sinong magaling magsalita wala nga kayong nai ambag sa government kundi batikos mahiya naman kayo at kayong bias na media basta ikasisira ng gobyerno mabilis kayong maghatid ng balita."


"Maswerte kayo dyan sa pinas nakakapagsalita kayo tungkol sa pangulo. At alam nyo mga pangyayare dyan. Dito sa ibang bansa pilit tinatago ng goberno nila ang mga nangyayare lalo na ang sa covid di lahat pinapakita kung ilan tlg ang nagpositive."


"At isa pa wag nyo lahat iasa sa pangulo dami nakaupo dyan sa goberno. Daming pinapasweldo ng taong bayan na senador kahit yong iba nakakulong tuloy ang sahod. Kahit lockdown tuloy ang sweldo."


Post a Comment

0 Comments