Albie Casino nagpasaring sa ECQ season 2: Congrats to everyone who voted nu’ng 2016, sana natutuwa kayo ngayon

 



Naglabas ng matinding saloobin ang aktor na si Albie Casino matapos muling ipatupad ang enhanced community quarantine “season 2” sa Metro Manila at sa mga karatig probinsya nito.

Ngayong araw Marso 29, nagsimulang muli ang ikalawang beses na ECQ na tatagal hanggang sa April 4, Linggo ng Pagkabuhay.

Nagpost si Casino ng kanyang larawan kasabay ang pang aasar sa gobyerno,  at nagpaalala na “vote wisely” sa susunod na halalan.




“My face when they said ecq season 2. Congrats to everyone who voted nung 2016 sana natutuwa kayo ngayon. vote wisely sa 2022 #ecq #halalan2022.”

Iba iba naman ang naging reaksyon ng mga netizen sa pasaring na ito ni Casino laban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mayroong mga sumang-ayon sa aktor, mayroon ding kumontra at pinagtanggol ang naging aksyon ng pamahalaan.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

“Thanks at hindi ka bulag at pipi. Buti hindi ka takot ihayag ang saloobin tungkol sa politics.. hindi kagaya ng ibang artista takot ma bash.”

“Di lng nman albie ang presidente ang na disisyon na mag lockdown nnman jan na sa pinas. Dto rin sa ibang bansa albie may mga places dn na lockdown at on and off ang mga gyms resto at iba pa!”

“Wawa nman tong MGA artista ng ABS wla ng gnawa Kung d kumuda ng kumuda...sisihin nyo management ng ABS kng bakit wla kayong trabaho...magbayad cla ng utang nla sa Tax pra mbigyan cla ng prankisa d Yong gobyerno sisihin nyo.”

May isang netizen naman na bumuwelta kay Casino at sinabing: “Control ba ng government officials yung virus? Galing mo din mag isip noh. Duh.”

Hindi naman ito pinalampas ng Kapamilya actor at sinagot ng, “Imma hit you with some knowledge so try to understand if you can. They obviously don’t control the virus but they do have control over how they handled the virus (we are LITERALLY THE [WORST] COVID RESPONSE IN THE WORLD).

“Our neighboring countries should be used as a measuring point look at them and compare to us. Now alam kong bobo ka kasi DDS ka but if you still don’t get it after this wala ka na pag-asa please don’t breed,” litanya ni Casino.

Post a Comment

0 Comments