Kiko Pangilinan binigyan ng vegetable bouquet si Sharon Cunete sa Valentines Day




Gumawa ng ingay sa social media lalo na sa mga fans ni Megastar Sharon Cuneta ang gimik ng kanyang mister na si Sen. Kiko Pangilinan.

Sa pag celebrate ng Valentines Day, pinusuan ng mga netizens ang regalong bouquet ng gulay ni Kiko kay Megastar.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni ate Shawie ang larawan ng magandang vegetable bouquet na binigay ng kanyang mister at may card pa itong kasama.

“Eto na naman ang neighbor kong asawa ko. Balentayms gip niya gulay!

“At basahin nyo please ang sinulat. Hahahaha! Happy Valentine’s Day, everyone! I love you guys. God bless us all!” ayon sa caption ni megastar.

Ayon naman kay Kiko, naisip niyang bigyan ng ganong regalo ang asawa para kakaiba naman, bukod dito, masustansya din ang mga gulay.

Sey niya kung bakit may cauliflower ang bouquet, “mabubusog ka sa forever na pag-ibig”. May calamansi at kamias din “dahil may asim sarap pa ang ating pagmamahalan.”

At mayroon din itong puso ng saging “dahil ang puso ko belongs to you only.”

Maliban pala sa gulay na bouquet ay nagbigay din si Kiko kay Megastar ng totoong mga bulaklak.

“Pero siempre naman may magagandang bulaklak din na bigay ang asawa ko sa akin. Nakakaloka lang ang sinulat na naman sa card!!! Hahaha!” sey nito

“Happy Valentine’s day, Sweetheart! And when I kiss your lips, I know our love’s for keeps! I love you always, always, always. Forever, forever, forever.” Ayon naman sa caption ng card.

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments