Alex Gonzaga and Mikee Morada umaming kasal na noong Nobyembre pa

 


Larawan mula sa Twitter | 
@Mscathygonzaga



Sa pinakahuling entry sa vlog ni Alex Gonzaga, inanunsyo nila ni Mikee Morada na sa katunayan sila ay kasal na talaga, at na ikinasal sila mula noong Nobyembre pa.

Inanunsyo ni Alex ang balita sa kanyang kaarawan, eksaktong isang taon matapos ang kanilang engagement ni Mikee.

Sinimulan ng actress-turned vlogger ang pagbubukas ng usapin tungkol sa kanilang kasal ng nobyo dahil marami na daw ang nagtatanong sa kanila.

"Kailan nga ba ang kasal natin?" tanong ni Alex kay Mikee

"Tapos na. Tapos na po kami kinasal na po kami." Sagot naman ni Mikee.

"Tapos nag-divorce na po," biro pa ng aktres

"Isa na po akong may bahay at isa na po kong wife. Mrs. Morada na ako." Bulalas ni Alex


Larawan mula s aYouTube


Sinabi ni Alex na nagpalitan sila ng “I Do’s” ni Mikee sa mismong lugar kung nasaan sila, habang kinukunan ng video.

"Dito kami. Dito ang altar, dito kami mismo kinasal ni Mikee," ani Alex

Nagpaliwanag naman ang aktres kung bakit nahuli ang kanilang announce, aniya nais muna nilang i-savour at i-celebrate ang okasyon.

"Masaya kami. Alam ko na OA pero masaya. Happily married kami. Papakita ko soon and nangyari sa wedding namin," ayon pa sa bagong may bahay ni Mikee


Larawan mula s aYouTube


"We are married and very happy. Ewan ko kung nasa honeymoon stage pa kami pero grabe talaga nagkakagulo ang puso namin sa kaligayahan lagi nakadagan sakin," anito

Sa huling bahagi ng video, ipinakita ni Alex ang ilan sa mga eksenang nangyari sa kanilang kasal.

Ang kanilang pag iisang dibdib ay dinaluhan lamang ng kani-kanilang pamilya. 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments