Sarah Elago nagsampa ng kaso laban sa ilang opisyal kaugnay sa red-tagging

 




Dahil umano sa "malisyosong pag atake" ay nagsampa ng kasong administratibo sa Office of the Ombudsman si Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago  laban sa mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).


Ayon kay Elago, ginagamit ng NTF-ELCAC ang pondo ng bayan upang atakihin ang kanyang grupo at iba pang progresibong mambabatas.


“The NTF-ELCAC has been using people’s money to maliciously attack progressive individuals and groups, including the youth,” ayon kay Elago


Kabilang sa sinampahan ni Elago ng kaso sina Armed Forces Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade, Presidential Communications Undersecretary Lorraine Badoy, National Intelligence Coordinating Agency director-general Alex Monteagudo, National Security Adviser Hermogenes Esperon, at Interior Secretary Eduardo Año.


Ayon kay Elago, aktibo umano ang mga nasabing opisyal sa paninira sa kanila sa social media at ipa pang public platform.


Sinabi din nito na kahit pa sa personal na account ang mga ginagamit para sila ay siraan, suportado pa rin daw ito ng mga institusyon ng gobyerno dahil ginagamit nila ang opisyal na logo.


“By red-tagging us, the government through the NTF-ELCAC not only discredits our legislative work and diverts attention away from pressing issues. It also puts at risk our lives, and the lives of those they work with," ani Elago


Giit ni Elago, hindi mananahimik ang Kabataan Partylist sa umano'y patuloy na pag-atake ng ilang mga opisyal ng gobyerno sa kanilang grupo.


At ang ginawa nilang pag sampa ng kaso ay kanilang paraan para lumaban sa ginagawa pag atake din umano sa kanilang grupo at mga kasapi. 


“Ang pagsasampa ng kaso ay isang paraan ng kabataan para labanan ang mga pag-atakeng ito,” ayon pa sa kanya


Post a Comment

0 Comments