Korte kinastigo si De lima at abogado nito dahil sa pagkakalat ng maling impormasyon


Larawan mula sa Philstar



 Kinastigo ng Muntinlupa Regional Trial Court ang naka-kulong na senador na si Leila De Lima at kanyang mga abogado dahil sa 'pag twist' umano ng katotohanan tungkol sa kaso nitong may kinalaman sa drugs na kanyang kinakaharap sa korte.


Ito ay matapos ang pangkat ng Department of Justice (DoJ) na pinamumunuan ni Provincial Prosecutor Ramoncito Bienvenido Ocampo Jr na hiniling sa korte na panagutin si De Lima at ang abugadong si Filibon Fabela Tacardon dahil sa indirect contemp at magpataw "sa kanila ng maximum na parusa sa ilalim ng batas" dahil sa diumano'y paglabag sa panuntunan ng sub judice.


Sa isang 39-pahinang petisyon, inakusahan ng mga tagausig si De Lima at ang kanyang abugado ng “intentional and malicious misinformation” sa media.


Ang intensyon diumano nito ay palabasin sa publiko na ang mga testigo ng pag-uusig ay na-clear na si De Lima mula kanyang kaso, bagay na hindi naman umano totoo at ito ay taliwas base sa ipinakitang ebidensya ng prosekusyon sa korte.


Ayon sa mga tagausig,binanggit ni Tacardon sa isang pahayag sa press matapos ang hearing tungkol sa piyansa noong October 23, na inabswelto umano si De Lima ng testigong si Artemio L. Baculi, isang financial investigator mula sa Anti-Money Laundering Council.


Kasama ang isa pang testigo na si Krystal R. Casenas, na isang digital forensic examiner ng Philippine Drug Enforcement Agency. 


“As improperly insinuated by Atty. Tacardon, it is not true that prosecution witnesses “reaffirmed” that the accused was not involved in any suspicious transaction that would link accused De Lima to the illegal drug trade inside the New Bilibid Prison. It is also not true that the said witnesses found no suspicious transactions between the senator and drug convicts,” ayon sa petisyon


“In fact, the prosecution presented to the Court evidence to the contrary as clearly pointed out in the judicial affidavit of Senior Assistant City Prosecutor Darwin Canete,” dagdag pa nito


Ayon pa sa mga tagausig, ang maling impormasyon sa pahayag ni Tacardon ay naging isang paglabag sa patakaran ng sub judice, na naghihigpit sa mga komento at pagsisiwalat na nauugnay sa paglilitis sa panghukuman upang maiwasan ang prejudging sa isyu.


“Their press statements and pronouncements in different media platforms have the power to persuade, influence, intimidate, incite the perception and sentiments of their colleagues and other government officials, including the trial court judges,” ayon sa mga tagausig


“This is an obvious attempt of respondents to condition the minds of the public and affect the Court in finally deciding on the criminal liability of the accused in its decision to these cases,” dagdag ng mga ito





Post a Comment

0 Comments