Asawa na ni Mabilog may mensahe kay Duterte: Move on. Better yet, get a life. You’re fast running out of one.

 




Sa isang social media post ay ipinarating ni Marivic Mabilog, asawa ng dating mayor ng Iloilo na si Jed Mabilog kay Pangulong Rodrigo Duterte na tigilan na umano ang kanyang asawa at kanilang pamilya.


Sa isang pahayag ng pangulo kamakailan ay kanyang binanggit si Mabilog, bilang isa sa mga dating opisyal ng gobyerno na tinanggal na ng tuluyan ng Ombudsman sa serbisyo dahil sa matinding katiwalian.


Sa kanyang pribadong Facebook account, sinabi ni Marivic sa Pangulo na tumigil na at huwag nang banggitin ang pangalan ng kanyang asawa.


 “Merry Christmas, Digong. Spend the holidays better. Do you really miss Jed? Move on. Better yet, get a life. You’re fast running out of one.” ayon kay Marivic


Sa isang hiwalay na post, nagbigay ang asawa ni Mabilog ng listahan ng mga kanta umano ng Pangulo para sa kanyang asawa.


“Hopelessly Devoted to You,” “I Will Always Love You,” “It Must Have Been Love” and “When Will I See You Again” aniya


Ani Marivic, na ngayon ay nakatira sa ibang bansa kasama ang kanyang asawa at pamilya, ay nagsabing hindi na nauugnay si Duterte sa kanilang buhay.


“You have nothing on Jed except fabricated charges decided by your spineless minions. Move on. As I said before, stop looking at my family and start looking at yours,” ayon pa sa misis ng dating politiko


Noong Lunes ay pinangalanan muli ng pangulo sa kanyang weekly address ang mga dating opisyal ng gobyerno na nasangkot sa maling gawain. Kasama na dito si Mabilog.


"Jed Patrick Mabilog, mayor, Iloilo City. Dismissed for grave misconduct, serious dishonesty and conduct prejudicial to the best interest of the service," ayon kay Duterte


Post a Comment

0 Comments