Kapatid ni Angel Locsin itinurong miyembro ng NPA ng dati umanong kasamahan nito

 




Muling nadawit ang kapatid ng aktres at pilantropong si Angel Locsin sa isyu na ito ay isang miyembro ng New People's Army o NPA. 


Ang kapatid ni Locsin ay itinuro ng isang dating miyembro ng NPA na si Jeffrey Celis aka Ka Eric.


“Gen Parlade is not lying. Ella Colmenares, the sister of Angel Locsin. was an NPA in Quezon, na-meet ko siya,” ayon sa pahayag ni Celis sa isang Senate hearing tungkol sa red-tagging issue.


“Si Ella Colmenares, umalis ‘yan ‘di na siya mapipigilan so bumalik siya sa open mass movement pero CPP pa rin siya, she’s operating underground at alam ko nasa MAKIBAKA (Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan) siya sa Gabriela,” dagdag pa ng dating NPA.


Ang pahayag na ito ay nauna nang itinanggi naman ni Colmenares at sinabing hindi siya miyembro ng nasabing grupo.


Samantala, sa nasabing Senate hearing, iginiit pa din ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr ang kanyang unang pahayag tungkol sa kapatid ni Locsin.


Ayon pa kay Parlade, alam umano din umano ng aktres na miyembro ng NPA ang kanyang kapatid.


“Pakinggan natin yung testimony ng nakasama ni Ella Colmenres, just an end the issue whether Ella Colmenares, kapatid ni Angel Locsin, ay isang NPA or not,” ani Parlade


Ipinahayag naman ni Locsin na hindi siya parte ng NPA at maging ang kanyang kapatid na si Ella at si Bayan Muna chairman Neri Colmenares.


“Nanawagan po ako sa kinauukulan, na itama po ang mali na ito. Tigilan na po ang red tagging,” ayon sa naging pahayag ni Locsin.


Post a Comment

0 Comments