Sayang pera! De Lima gustong paimbestigahan sa Senado ang P389-M Manila Bay ‘white sand’ project




Gusto ni senadora Leila De Lima na pimbestigahan sa Senado ang kontrobersyal na P389-milyong Manila Bay beach "nourishment”  na pagtatambak ng ng artipisyal na puting buhangin sa baybayin.

 

Sa pagsasampa ng Senate Resolution (SR) No. 532, sinabi ni De Lima na ang badyet na ginugol sa proyekto ay maaaring magamit para sa pagtugon ng COVID-19 ng gobyerno.


“The makeover of Manila Bay shows that this administration’s priorities lean towards cosmetic beautification rather than health, economic aid, or education. Now is the opportune time to conduct this investigation as we are nearing fiscal year 2021 deliberations in Congress,” aniya


Nag aalala umano si De Lima sa paggamit ng artipisyal na buhangin na tinatawag na dolomite upang punan ang baybayin ng Manila Bay.


Ayon umano sa isang safety report ng Texas distributor and builder na si Lehigh Hanson, ang mala-kristal na silica sa dolomites ay maaaring maging sanhi ng pinsala sa baga, maging sanhi ng pangangati sa balat at mata, o maging sa cancer kapag hininga ito.


"Nakakapanghinayang ang taon na ginugol ng nakaraang administrasyon para sa pagpapadalubhasa sa mga kawani ng DENR kung gagawin lamang silang 'window-dressers' o taga-palamuti," ayon sa senadora

Samantala, ayon sa naunang pahayag ng DENR, ang paglalagay ng synthetic na white sand sa Manila Bay ay maaaring maka-discourage sa mga tao na mag tapon ng basura dito.

 

Sinabi din ng opisyal ng DENR na si Undersecretary Benny Antiporda, dalawang taon nan ang simulant ang proyekto, kasama na ang paglilinis at pagalis ng burak sa ilalim ng dagat.


“Mga dalawang taon na po mula nang nagsimula ito, nung desilting, nung ating tanggalin ang mga burak sa ilalim, linisin iyong buong dagat. May mga gulong pa sa ilalim na narecover, natanggal na po ito at nilagyan na po ng buhangin. Supposedly black sand po iyan, naging white sand po,” ayon kay Antiporda


Samantala, suportado din ni Manila Mayor ang nasabing proyekto bilang pagpapaganda sa Manila Bay.

 

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments