Nikki Valdez sa Manila Bay rehab: Nakakaangat ba ng buhay ang white sand?

Mga larawan mula sa Bandera at Philstar

 



Kamakailan lang ay naging kontrobersyal ang balitang paglalagay ng white sand sa baywalk ng Manila Bay bilang bahagi ng rehabilistasyong sinsagawa ng Department of Environment and Natura Resources (DENR).

Marami sa mga kritiko ng administrasyon ang nag-react at naglabas ng kanilang saloobin, kasama na dito ang aktres na si Nikki Valdez.

Sa kanyang isang mensahe sa Twitter, at ayon din sa ulat ng Fashion Pulis, sinabi ni Nikki na; “Pag naging white sand na ang Manila Bay, mawawala ba ang lumalalang sitwasyon ng COVID?”

Sinagot din niya ang isang netizen na nagsabi na “dzai pandemic yung covid di ba?! di ba pwede mag multi task ang gobyerno?! may vaccine na ba?”

Na sinagot nman ng aktres ng; “Pinagsasasabi mo? Mauna ka humiga sa peke na white sand pag natapos ha,”

At sa isang hiwalay na post, sinabi ng kapamilya star na sana mas pinagtuunan ng pansing ng gobyerno ang mga frontliners at mga locally stranded individuals o di naman ay ang mga batang walang pambili ng gadgets para sa online school.


“Gustong sagipin ang Manila Bay pero walang pakialam sa front liners, ABSCBN employees, LSI at mga estudyante na walang gadget para makapasok sa eskwela. Nakakaangat ba ng buhay ang white sand???”aniya

Ayon sa naunang pahayag ng DENR, ang paglalagay ng synthetic na white sand sa Manila Bay ay maaaring maka-discourage sa mga tao na mag tapon ng basura dito.

Sinabi din ng opisyal ng DENR na si Undersecretary Benny Antiporda, dalawang taon nan ang simulant ang proyekto, kasama na ang paglilinis at pagalis ng burak sa ilalim ng dagat.

“Mga dalawang taon na po mula nang nagsimula ito, nung desilting, nung ating tanggalin ang mga burak sa ilalim, linisin iyong buong dagat. May mga gulong pa sa ilalim na narecover, natanggal na po ito at nilagyan na po ng buhangin. Supposedly black sand po iyan, naging white sand po,” ayon kay Antiporda

Samantala, suportado din ni Manila Mayor ang nasabing proyekto bilang pagpapaganda sa Manila Bay.

At ayon nga sa objective ng DENR, “to see is to believe,” “to smell is to believe,” and “to smell is to believe.”

 

 

 

Post a Comment

0 Comments