Larawan mula sa PhilNews at Asian Policy |
Muling nabuhay ang palitan ng salita ni dating senador
Antonio Trillanes IV at Robin Padilla so social media.
Sinagot ni Trillanes si Padilla matapos nitong
hilingin sa publiko na gumawa ng hakbang at tumulong kaysa magreklamo sa panahon
ng pandemya.
Ipinagtanggol ng dating mambabatas ang karapatan ng
publiko na magreklamo lalo na dahil aniya si Pangulong Rodrigo Duterte ay
walang alam kung paano lalabanan ang coronavirus.
“Sbi ni Robin, mgtrabaho nlng dw at wg na mgreklamo.
Ano? #1 na tyo sa pnkmraming covid cases sa SE Asia, hbang prang nglalaro lng
si duterte at di alam ang gngawa,” ayon kay Trillanes sa kanyang tweet bilang
sagot sa pahayag ng aktor.
Sinisi rin ni Trillanes si Padilla sa pagtulong sa
aniya’y "baliw" na si Duterte na manalo sa pagkapangulo noong 2016
election, dahil daw dito ay marami ang nagdurusa.
“Bsta, isa ka sa salarin kung bkt nging presidente
yang siraulong yan. Mlaking perwisyo ang dinulot nyo sa Pilipinas,” ani
Trillanes
Naunang sinabi ni Padilla na imbes magreklamo ay tumulong
sa halip na panay reklamo at puna sa kabila ng krisis dala ng COVID-19.
Umapela rin ang aktor na itigil na ang pamumulitika at
sinabing dapat pa nga ay tumulong ang mga tao sa gobyerno sa mga pagsisikap nito
na malutas ang problema sa kalusugan.
Narito ang kabuuang post ni @Robinhoodpadilla sa kanyang
Instagram post.
“Napakarami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi pa
rin natatanggap ang katotohanan na ang Inangbayan Pilipinas ay nasa Gitna ng
Digmaan Pandaigdig laban sa covid 19 habang Hindi pa tayo nakakaangat sa laban
sa kahirapan dulot ng mga mapagsamantalang mga negosyante at mga korup sa
gobyerno.
laban sa mga mananakop ng ating mga isla at ngayon
laban sa mga maiingay sa lipunan na kapapanganak lang sa usapin ng pagka
rebolusyonaryo ay naghahamon na ng kagulohan.
Hindi ko na
talaga batid kung san hindi magkaintindihan ang mga Pilipino. Ramdam na natin
lahat sa ating mga tahanan ang unti unting pagkalimas ng ating mga savings at
hindi ito problema lang natin buong mundo ang suliranin na ito kayat imbes na
mabuhay at magising ka araw araw sa pagrereklamo at kakabatikos ABAY kumilos ka
para makatulong at mapakinabangan una ng sarili mo, mga pamilya mo at ng
Inangbayan.
Hindi ito ang oras ng pamumulitika! Ito ang oras ng pagtulong sa gobyerno maging ano man ang kulay mo. Isaksak niyo sa baga niyo at puso niyo na ang pinag uusapan ngayon at ang nakataya ngayon ay ang SURVIVAL ng ating LAHI at INANGBAYAN PILIPINAS.
Join the Reservist “Ask not what your country can do for you – ask what you can do for your country,”
0 Comments