Ping Lacson: Duque: 'Medical community want him resigned, pati sa sariling ahensya sinusuka na! '




Photo courtesy of KAMI and EPA-EFE


Sa kabila ng pagkadismaya ng nakararami kabilang na ang mga kasama sa sariling ahensya, dahil sa kakulangan nito sa performance na ipinapakita ni Health Secretary Francisco Duque III sa pagtugon sa laban sa pandemyang COVID 19, patuloy pa rin ang pagsuporta sa kaniya ng ating pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pahayag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson nitong Lunes, nanatili pa rin ang paniniwala ng senador na di ito sang-ayon sa desisyon ng pangulo na hindi sibakin sa pwesto si Duque sa kabila ng mga kapalpakan nito sa pagharap nito sa pandemya.


“It is not only me who disagrees with the President for not firing Secretary Duque. There were 14 senators who had earlier asked him to resign. I don’t think that number has changed. Many others in the DOH and the medical community also want him to resign or be replaced,” ani Lacson sa isang pahayag.
Muli ring binanggit ni Lacson kung aning agimat mayroon si Sec. duque at patuloy pa rin itong pinagkakatiwalaan ni Presidente.
Kauganay ito sa nakaraang public address ni Pangulo kasama ang kanyang mga gabinete kung saan muling dinepensahan ni Duterte si Duque sa panawagan ng marami na sibakin naito sa pwesto.
Ani ng Pangulo sa kanyang public address, ‘ano ang kasalanan ng tao, he did not import the COVID-19 virus into the Philippines…’


Ngunit iginiit pa rin ni Lacson ang mga pagkukulang at hindi pag-aksyon ni Duque hinggil sa naunang pagdating ng mag-asawang Chinese mula Wuhan, China na maaari umanong carrier at may kinalaman sa paglaganap ng corona virus.
“(Duque’s) failure to do a simple contact tracing on the co-passengers who took the same flight as the virus-infected couple from Wuhan, China, further aggravated by his refusal to assume responsibility by blaming other agencies of government when it was his duty to coordinate that effort was his first major offense in a series of devastating blunders,” giit ni Lacson.
“All these being considered, it is not difficult to understand why we are in this mess,” dagdag pa nito.
Hindi ito ang unang pagkakataon na binatikos ni Lacson si Duque. Sa katunayan may mga nauna ng pahayag ang dating hepe ng kapulisan hinggil dito.


Noong nakaraan buwan lamang, naging palaisipan pa rin para kay Lacson kung bakit hanggang ngayon ay nakaupo pa rin sa pwesto ito.  
Giit ni Lacson, sa kabila umano ng "pattern of failure" o sunod-sunod na kapalpakan ni Duque ay hindi pa rin ito inaalis sa gabinete ni Duterte.
Sa ulat ng GMA news, pinagtataka daw umano ni Lacson kung anong "magic potion" o gayuma ang ginamit ni Duque para patuloy itong pagkatiwalaan ng Pangulo.
Dagdag pa ni Lacson, posibleng may agimat ang Health Secretary
"I couldn’t understand what amulet or magic potion Duque has as far as the President is concerned," sabi ni Lacson.
Ayon pa ng senador, hindi siya nag-iisa sa panawagan niyang masibak sa puwesto si Duque.
"There were 14 senators who had earlier asked him to resign... Many others in the DOH and the medical community also want him to resign or be replaced," dagdag ni Lacson.


Post a Comment

0 Comments