Mga larawan mula sa Google (ctto)
Hindi sang ayon si Bagong Alyansang Makabayan
secretary general Renato Reyes Jr. sa “mandatory” na pagsusuot ng face shield
sa mga pasahero ng mga pampublikong transportasyon dahil aniya marami ang
walang pambili nito.
"Paano gagawing MANDATORY ang face shield kung
maraming walang pambili at walang access sa face shields?" ayon kay Reyes
sa isang Facebook post
"Buti sana kung may libreng face shield ang
gobyerno. Kaso wala eh. Sana tinutulungan ang tao sa halip na dinadagdagan lang
ang requirements," dagdag pa niya
Kamakailan lang ay inanunsyo ng Department of
Transportation na simula Agosto 15, kailangan nang magsuot ng face shield at
mask kung sasakay sa pampublikong transportasyon.
Ang pagsususot ng mask ay isang umanong precautionary
measure na mungkahi rin ng Inter-Agency Task Force dahil patuloy pa rin ang pagtaas
ng bilang ng mga COVID-19 cases sa bansa.
Nakiusap naman si Transportation Secretary Arthur
Tugade na huwag isipin ng mga tao na panibagong gastusin lang ang mandatory
face shield dahil mas mahalaga pa rin
ang may proteksyon lalo na kalaban na hindi nakikita ng mata. *
“What we are addressing is not a transport issue but
rather a health issue. Kaya nga hinihingi ko ang kooperasyon ng bawat isa (That
is why I am asking everyone to cooperate),” dagdag pa niya
Sinabi rin ni DOTr Undersecretary for Administrative
Service Artemio Tuazon Jr, na istrikto itong ipapatupad sa mga lugar na
pinapayagan na ang mga public transport.
Paglilinaw ng ahensa, bukod sa pagsusuot ng face
shield ay dapat rin magsuot ang mga pasahero ng face mask at obserbahan ang
physical distancing.
Samantala, magsisimula naman daw sa Agosto 7 ang pago-obliga
sa mga pasahero ng barko.
Laman din umano ito ng memorandum na inilabas ng
Maritime Industry Authority (Marina), Philippine Ports Authority at Philippine
Coast Guard na ipinag-utos ang ‘No-Face-Shield-No-Ride” policy.
0 Comments