Larawan mula InterAksyon at GMA News |
Ayon kay communist leader Joma Maria Sison, si Pangulong Duterte ay may "malubhang karamdaman" ito ay matapos mag anunsyo ng huli tungkol sa posibleng pagkakaroon niya ng cancer.
Sa isang serye ng mga tweet, sinabi ni Sison, ang founder ng Communist Party of the Philippines, na mas malusog pa siya kaysa kay Duterte, tinatanggi ang tsismis na mayroon siyang malubhang karamdaman.
Si Sison ay 81-taong gulang na nakatira sa Netherlands matapos itong ipatapon ng gobyerno.
Kamakailan lang ay sinabi ni Pangulong Duterte na ang kanyang sakit na Barrett’s esophagus, isang komplikasyon ng sakit na reflux, ay malapit nang maging cancer.
Samantala, inakusahan naman ng pangulo si Sison na mayroong sakit na colon cancer, na itinanggi naman ng huli.
“I am healthy and far more healthy than the ailing Duterte,” ayon sa tweet ni Sison noong Augsut 27.
“The tyrant can be squeezed out or squashed, especially now that he is known to be seriously ill physically and mentally,” aniya pa sa isang tweet
Binalikan din ni Sison ang mga tagasuporta ng pangulo na umano'y nagpapakalat ng maling impormasyon na siya ay may malubhang sakit at malapit nang pumanaw.
“The Duterte DDS psywar operatives are extremely stupid like their tyrant and corrupt master Duterte who is seriously ill,” ayon kay Sison
” Since yesterday, they have been circulating the lie, with a photo-shopped image of mine with respirator, that I am already dying in a hospital in Holland,”dagdag pa nito
0 Comments