Joebert Sucaldito sinagot si Nikki Valdez matapos ihambing ang mga boss sa ABS CBN at PhilHealth: Hoy, mali kayo!

 

Photo from Google (ctto)


Hindi nakapag pigil ang dating DZMM radio host at manunulat na si Joebert Sucaldito kay Nikki Valdez matapos nitong ikumpara ang ABS CBN at ang PhilHealth. 

“Hoy, mali kayo – malayong magkaiba iyon.” bulalas ni Joebert sa kanyang Facebook post.

Naunang nagpatutsada si Nikki sa Twitter kung saan kanyang hinambing ang mga executives ng ABS CBN na palaging umattend ng hearing kumpara sa ginagawa ng opisyal ng PhilHealth na tila walang hangarin na dumalo sa pagdinig sa senado dahil sa sinasabing katiwalian na nagaganap sa loob ng ahensa.

“Yung mga boss po namin sa ABSCBN present sa lahat ng hearings. Mga walang tulog at pahinga maipagtanggol lang ang kumpanya namin. Sa Philhealth di pa nagsisimula ang hearing, may sakit na yung mga tatanungin?”  ayon sa aktres

Ikinalulungkot ni Joebert ang mga pamumuna sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte gayong sinasagawa na ang pagiimbestiga sa nasabing anomalya sa PhilHealth.*

Sinabi rin ng manunulat na sana ay makita ng publiko na hindi naman papayagan ng pamahalaan ang anumang anomalya.

Pinaalala rin ni Joebert kay Nikki na hindi naman siguro ganun ka-hangal ang mga mambabatas para magbigay ng hindi patas ng desisyon.

” Hindi sila mga bobo, Nikki dear. They will rule on this – maghintay ka lang. Sa palagay mo ba makakaligtas ang mga ito, most especially si Gen. Morales, kina Congressman Marcoleta, Remulla and Defensor? Huwag mo munang pangunahan dear.” ani Joebert

Pinayuhan pa ng host si Nikki na hintayin na lamang ang resulta ng pagsisiyasat dahil tila hindi pa ito nakaka-move on sa pagsasara ng ABS CBN.

Matatandaan na isa si Joebert sa nagbahagi ng kanyang karanasan bilang empleyado ng Kapamilya network.

Napatalsik umano ang manunulat sa higanteng kumpanya matapos ang kanyang kontrobersyal na biro noon kay Nadine Lustre.


Post a Comment

0 Comments