Jennylyn Mercado on her political statements: ‘Hindi ba sapat na mamamayan at nagbabayad ng buwis?’




Naging laman ng social media ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado dahil sa mga matatapang na banat nito hinggil sa mga social at political issues sa ating bansa lalo na ang pagpuna nito sa mga aksyon ng gobyerno hinggil sa pandemya.
Nagpahayag ito sa kanyang Twitter pagkadismaya, at kanyang pinuna ang mga bumabatikos sa mga taonggusto lamang magpahayag ng kanilang saloobin hinggil sa nakikita nilang sitwasyon sa kasalukuyan.


Ang Kapuso star ay naging subject din ng mga bashers sa mga nagdaang linggo, sa kanyang paglabas ng mga komento sa iba’t-ibang mga issues kabilang ang pagtugon ng gobyerno sa pandemyang corona virus, maging ang ilang isyung political, pagsasara ng ABS-CBN at ang nagdaang State of the Nation Address ng Pangulong Duterte.
Naging palaban ito sa pagsagot sa kanyang mga followers at kinukwestyon ang kanyang pagiging walang tigil na pagsagot sa mga isyung political.
“The moment you hinder someone from speaking their mind to is the moment you failed to respect the rights of your fellow Filipino,” kanyang pahayag sa Twitter.
Nagsimula sa industriya ng showbiz si Jennylyn Mercado taong 2003, kanyang sinagot ang isang netizen sa tanong na kung may qualification ba paglalabas ng hinaing tungkol sa mga iba’t-ibang isyu ng bansa.  


“May qualification ba dapat bago ka magkaro'n ng karapatan na magkomento sa mga isyung panlipunan? Hindi ba sapat na mamayan ka ng Pilipinas at nagbabayad ka ng buwis? Bakit kung kailan pandemya na lahat tayo ay apektado saka ang iba ay pilit na pinatatahimik?” ani Mercado
“Naguguluhan na ako. Bakit parang nakalimutan ng ibang tao irespeto ang iba kahit iba ang opinyon nila? Hindi ba 'yun ang isa sa mga unang tinuturo ng ating mga magulang?” dagdag pa nito.



Post a Comment

0 Comments