Larawan mula sa GMA Network at InterAksyon |
May patama ang beteranong TV at radio host na si Arnold Clavio kay Pangulong Rodrigo Duterte na idinaan niya sa isang post sa social media.
Pinuna ni Clavio ang pangulo matapos nitong sabihin sa isang press briefing na wala nang pondo sanhi ng ilang buwan na pakikipaglaban ng bansa sa COVID-19.
“Walang pera!”
"Narinig na naman natin yan kagabi kay Pangulong Duterte kaugnay ng paglaban sa Covid19," ayon sa post ng host.
Sa kanyang post ay nilista at iniisa-isa ni Clavio ang lahat ng mga inutang umano ng gobyerno upang matugunan ang mga pangangailangang pang kalusugan sa kasagsagan ng pandemya.
Ayon sa Asian Development Bank website at iba pang mga tagapag hatid ng balita, binanggit ni Clavio dumating naman umano ang mga tulong at inutang para palakasin ang paghahanda sa kalusugan ng publiko sa bansa.
Narito ang listahan ng mga utang ng gobyerno para sa mga effort nito labanan ang COVID-19 na ibinahagi ni Clavio sa kanyang post sa social media, na nag iwan ng mga katanungan para sa pamahalaan.
"1. Asian Development Bank (ADB) - $3M (p150 M) na grant para sa med supplies, tests, PPEs, etc.;
"2. ADB $5M (p250M) na grant para sa pagkain ng may 55,000 vulnerable households sa Metro Manila;
"3 World Bank. $500M (p25B) na pautang para sa disaster rehab at recovery planning, emergency cash transfers, etc. Ang utang na ito ay payable sa loob ng 29 taon. May grace period ito na 10 taong mahigit;
"4 World Bank $100M (p5 B ) na utang para sa COVID-19 Emergency Response Project;
"5 ADB $1.5 M (p75 B ) na utang para sa COVID-19 response;
"6 ADB $200 M (p10 B ) utang para sa emergency cash subsidies ng mga vulnerable households;
"7. ADB $400 M (p20 B ) utang para sa capital market development;
Wala bang pera o walang diskarte?" dagdag pa ng host
0 Comments