Hinimok ni dating senador Antonio Trillanes IV ang mga tao na huwag matakot na sabihin ang mga puna laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang post sa Twitter, sinabi ni Trillanes sa mga tao na ipakita ang kanilang pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng pagpuna kay Duterte sa pamamagitan ng social media.
Inakusahan din ng dating mambabatas si Duterte sa umano’y panggagahasa sa bansa.
“It’s really more patriotic if your rants against duterte would actually mention his name. Wag kayo matakot iderecho kasi bansa nyo na ang ginagahasa nya,” ayon sa dating senador
Sinabi rin ni Trillanes na hindi dapat matakot ang publiko sa mga pag-atake ng troll sa kanilang mga kritisismo laban kay Duterte.
Aniya dapat nilang hadlangan ang mga troll na nais lamang mang bully at patahimikin ang mga kritiko ni Duterte
“As to the expected troll attacks, their objective is to bully you into silence. Just block and ban them. You don’t need to deal with them. Either bayad sila or sarado na utak nila, kung meron man,” ayon kay Trillanes
Sa hiwalay naman na post sa Twitter noong July 29, sinabi ng dating senador na nag file siya ng kasong plunder laban kay Duterte sa Ombudsman noong 2016. Inakusahan din ng senador na pilit tinanggal ng pangulo ang dating Ombudsman para matigil ang imbestigasyon.
"Again, I already filed a plunder case vs. Duterte w/ the Ombudsman in 2016. Dep Omb Carandang investigated & confirmed duterte’s billions in 2017. Then, duterte unconstitutionally dismissed him to stop the investigation. In 2022, if the opposition wins, we would pursue this case." ayon kay Trillanes
kasunod ng kanyang binahaging video tungkol sa nakaw na yaman umano ng pangulo.
Si Trillanes ay kilalang oposisyon at kritiko ni Pangulong Duterte.
1 Comments
Ohhh shit balak na naman magkudeta ni kolokoy, This time saang hotel naman kaya saskupin nya🤣🤣🤣
ReplyDelete