Ramon S. Ang hinikayat ang mga Filipino: Magtiwala at tumulong sa gobyerno ngayong pandemya


SMC President Ramon Ang | Photo from Filipino Times



Ayon sa business tycoon na si Ramon Ang na kailangan magtiwala ang mga tao sa gobyerno lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ito ay sinabi ni Ang kasabay ang paglilinaw na wala umano siyang tinutukoy na particular na tao sa gobyerno at hindi rin niya nais ipahiwatig na may korapsyon sa pamahalaan.



Inihayag ito ni Ang nang siya ay magsalita sa pagbubukas ng pinagawa na COVID-19 testing center sa Better World EDSA.

“Lahat sila kumikita sa gobyerno, lahat sila kumikita sa bayan, pero puro pakitang tao.” Ayon sa CEO ng San Miguel Corporation (SMC).

“I was referring to some private individuals or groups who are taking advantage of the crisis and charging unjustifiably high prices on consumers looking for ways to protect themselves, who are donating to various causes but can actually do more,”  ayon pa kay Ang

“Kailangan natin totoong tumulong, hindi `yong bola lang. Ang importante, tayong lahat, manatili tayong mag-trust sa gobyerno.” Giit niya



Aniya, hindi kakayanin ng kahit anong gobyerno saan mang panig ng daigdig, maging ang mga bansang mayayaman na harapin mag isa ang ganitong uri ng suliranin na kinakaharap ng buong mundo.

“Kahit na anong gobyerno sa buong daigdig, even the richest countries in the world cannot handle this problem by themselves. Kailangan ng businessman, ng taong-bayan na tumulong para together we can solve this problem,” Ayon kay Ang

Kamakailan ay binuksan ng SMC ang Better World Edsa, isang pasilidad na nagtatatag ng sariling state-of-the-art na COVID-19 RT-PCR testing laboratory na naglalayong mag test ng 70,000 empleyado sa kanyang hanay upang mabawasan ang pasanin ng health sector ng bansa.



Ang nasabing pasilidad ay may kakayahan na mag suri ng 4,000 kada araw hanggang 12,000 kung papalawakin pa.


               

Post a Comment

0 Comments