"Most wanted" na lider ng kulto, dating Kongresista na si Ecleo, nahuli matapos ang mahabang pagtatago




Si Ruben Ecleo Jr noong 2002 at ngayon 2020 | larawan mula sa Google at ABS CBN


Matapos ang walong taon na pagtatago ay nahuli na ang dating mambabatas at pinuno ng kulto na si Ruben Ecleo Jr sa San Fernando, Pampanga. Si Ecleo ay hinatulan ng pagpatay sa kanyang asawa at pagtakas sa naunang graft conviction.

Si Ecleo na dating kinatawan ng Dinagat Islands na tinuturing na pinaka most wanted ay naaresto kasama ang driver na si Benjie Faran, ayon sa pagkumpirma ng National Capital Region Police Office.



Ang dating lider ng kulto ay may patong palang P2 milyon sa kanyang ulo.

Sa kanyang pagkakaaresto ay nakumpiska din ang kanyang Toyota Grandia, mahigit P170, 000 na halaga ng pera, pekeng mga ID at alahas. Si Ecleo ay tinaguriang “supreme master” ng kanyang kulto na Philippine Benevolent Missionaries Association (PBMA)

Noong 2012, hinatulan ng korte si Ecleo na mabilanggo ng habang-buhay matapos na siya ay napatunayang nagkasala ng parricide dahil sa pagpatay sa kanyang asawang si Alona Bacolod-Ecleo sa kanilang tahanan sa Cebu City noong 2002.

Si Alona ay nasawi dahil sa pagkakasakal ni Ecleo sa kanilang tahanan sa Sitio Banawa, Barangay Guadalupe, Cebu City noong Jan. 5, 2002.

Natagpuan ang kanyang bangkay makalipas ang tatlong araw sa loob ng isang itim na plastic ng basura na itinapon sa isang bangin sa bayan ng Dalaguete, Southern Cebu.*



Si Alona na 20-taong gulang nang siya ay mamatay, ay nasa ika-apat na taon bilang medical student sa isang unibersidad sa Cebu City.

Ayon sa '200-pahina na hatol ni Cebu City Regional Trial Court Branch 10 Presiding Judge Soliver Peras si Ecleo ay nagkasala ng parricide ay dala ng paggamit ng droga at galit.

Ayon sa ulat ng Cebu Daily Inquirer, sinabi ng kapatid ni Alona na si Josebil Bacolod na si Ecleo ay  “drug dependent.”

Si Josebil, na nakatira pa noon sa bahay ng mag-asawa, ay nagsabing bumili pa siya ng "shabu" (crystal meth) para kay Ecleo noong araw bago pinatay si Alona.*



Bago mahatulan sa pagkamay ng asawa ay pinarusahan din ng Sandiganbayan si Ecleo ng 31 taong pagkakabilanggo dahil sa kasong graft.

Ang simbahan ni Ecleo, na itinatag noong dekada '60 ng kanyang amang si Ruben Ecleo Sr., ay nagsasabing nakakapag pagaling umano ng sakit ng kanilang mga miyembro kasama na ang cancer. Napaulat din ang ang kulto ay nakalikom ng milyones noon mula sa “entrance fees” ng mga miyembro.

Samantala, noong June 18, 2020 ng gabi ay na-mass@cre ang mga magulang ni Alona na sina Elpidio at Rosalia, kasama ang kanyang dalawang kapatid na sina Ben at Evelyn sa kanilang tahanan sa Barangay Subangdaku, Mandaue City.

Maliban kay Josebil, si Ben na isa sa magkakapatid ay tumestigo din laban kay Ecleo. At naganap ang pamamaril sa kanilang tahanan matapos nitong magpa interview noon sa isang radio program.


Ang gunman ay nasawi din matapos mabaril ng rumesponding pulis na kinilalang si Rico Gumonong, isang security guard at miyembro ng PBMA.






Post a Comment

0 Comments