Mambabatas, siniwalat ang alok na P200M para suportahan ang ABS CBN

-Binunyag ng mambabatas na si Eric Yap ang alok umano ng isang ABS CBN emissary para suportahan ang netwok.

-Nilinaw naman ng ABS CBN na alegasyon na sila ay nagpadala ng emissary para maghikayat ng suporta.


Larawan mula sa Google


Isiniwalat ni ACT-CIS Party-list Eric Go Yap, chairman ng  Appropriations Committee of the House of Representatives na mayroon umanong sugo mula sa ABS CBN na nag himok sa kanya na bumoto pabor sa pag-renew ng franchise ng network kapalit ng pera.



“More than two weeks ago, may tumawag sa atin, nagpakilalang emisaryo ng ABS-CBN at hinihimok tayong bumoto pabor sa ABS-CBN kapalit ng P200 million. 




"Simple lang ang sagot ko, hindi for sale ang prinsipyo at boto ko (someone called me, introducing himself as an emissary of ABS-CBN, urging me to vote in favor of ABS-CBN in exchange for P200 million. My answer was simple, my principle and vote are not for sale)," ayon sa pahayag ni Yap nitong Miyerkules.



Sa isang opisyal na pahayag na inilabas noong Huwebes, itinanggi ng ABS-CBN na nagpadala ito ng isang emissary at bigyang diin na may tiwala ito sa proseso.



“ABS-CBN did not send an emissary to bribe any lawmaker to vote in favor of our franchise application,” ayon sa pahayag



“We believe in the process and we have participated in the process. We answered all issues raised in the past 12 hearings,”  dagdag nito




Sa isang forum noong Huwebes ng umaga, itinanggi nina Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, isa sa may akda ng 12 franchise bills, at Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun ang alegasyon na ito na sila ay binayaran para suportahan ang renewal ng prangkisa ng higanteng network.



“These are very serious allegations pero walang basehan (but have no basis)”  ani Fortun



Sa parehong pahayag, sinabi ni Yap na isiniwalat niya ang insidente upang i-highlight na hindi siya mag sasabi ng hindi verified na impormasyon na maaring maka apekto sa patuloy na paglilitis sa ABS CBN.



“Nilabas ko ba sa media? Hindi. Dahil hindi tayo sigurado kung emisaryo nga ng ABS-CBN yun at unfair naman na malalagay sa alanganin ang pangalan ng ABS-CBN dahil sa kanya at unfair din maging sa proceedings ng Joint Committee na tumatalakay sa issue ng prangkisa nila. 




"May nadinig tayo na iba pang kaso gaya nito pero hindi natin nilabas dahil hindi din verified ang mga information na yun (Did I expose it to the media? No. Because I was not sure if he really was an emissary of ABS-CBN and it would be unfair to endanger the name of ABS-CBN because of him and it would be unfair to the proceedings of the Joint Committee tackling the issue of its franchise. I have also heard other similar cases but similar to this, the information were not verified),” aniya



Kinondena rin ni Yap ang mga ulat sa umano'y panggigipit sa kanyang mga kasamahan na bumoto laban sa ABS CBN. Aniya, mga paratang lamang ang mga ito at walang mapagkakatiwalaang source.



“Why use unverified information? Do not mislead the public,” Aniya



Nabanggit din niya ang pagkakalantad ng isang listahan ng boto ng mga mambabatas kung saan malinaw naman na hindi pa talaga sinasagawa ang botohan.


Post a Comment

0 Comments