Lea Salonga nagpahayag ng buong suporta kay ABS-CBN CEO Carlo Katigbak: “Whatever happens, I lift you up and support you.”



Photos courtesy of Inquirer at Abante TNT


Sa gitna ng kawalang kakasiguraduhan kung mabibigyan pa ng panibagong 25-year legislative franchise ang giant media company  ABS-CBN.

Nagpahayag ng buong suporta ng international singer at stage actress na si Lea Salonga kay ABS-CBN President-Chief Executive Officer (CEO) Carlo Katigbak.



Sa kanyang Twitter post, ibinahagi ng 49 years old na si Lea Salonga ang pagdedeklara niya ng suporta para kay sa ABS-CBN CEO na si Katigbak, 50, nitong Linggo, July 5.

Nag-tweet ang The Voice judgce ng quote card para kay Katigbak. Kung saan ang quote ay bahagi ng apela ng ABS-CBN big boss sa harap ng mga kongresista nitong June 29 na mabigyan naman ng “due process” ang kapamilya network sa pagdinig sa franchise renewal nito.

Patungkol ito sa pagkuwestiyon ng mga kongresista sa National Telecommunications Commission (NTC) kung bakit umeere pa rin ang ABS-CBN TV Plus gayung bahagi ito ng napasong prangkisa ng network.

Halos mag-iisang daang araw na mula nang nag-expire ang franchise to broadcast ng nasabing network.



Ayon sa quote card ni Katigbak na kanyang pinost sa social media: “We are willing to submit to the judgment of the regulatory agency but we are asking for due process.”

Sa kasamaang palad, nang araw na iyon, pinahinto din ang operasyon  ng TV Plus at ng SKY Direct, kasama ang satellite cable service ng SKY Cable.

Nagpahayag naman ang international superstar sa kanyang twitter ng paghanga at respeto sa “grace” na ipinamamalas ni Katigbak sa kalagitnaan ng krisis.

Ani Lea, sa iilang pagkakataong nakaharap niya ang pinakamataas na opisyal ng ABS-CBN, lagi raw itong kalmado at nakangiti.


Sa pangalawang bahagi naman ng tweet ni Lea ay mababasa ang: “I can vouch for this man’s grace.
“In the few times that I’ve met him, he’s been nothing but filled with grace and calm, and always with a smile on his face.”
Sa kabila ng agam-agam ni Lea na hindi pumabor sa ABS-CBN ang resulta ng pagdinig ng Kamara para sa prangkisa ng network, naniniwala pa din itong mananatiling mababang-loob si Katigbak bilang isang leader.



Dagdag pa nito, si Katigbak daw kasi, ang klase ng pinuno na irerespeto at pipiliin niyang tularan.

Giit ni Salonga sa kanyang post: “As much as I fear that things won’t go the way of ABS-CBN, this much I know:

“...He will continue to lead without acting the bully or throwing his weight around.”
“This is the kind of leader I resonate with, the kind of leader I follow, the kind of leader I aspire to be.”



“Whatever happens, Carlo, I lift you up and support you.” Sa pangwakas na mensahe ng batiking theater actress.



Post a Comment

0 Comments