Larawan mula sa HeadTopics |
Umaasa si senador
Francis Pangilinan na ititigil ng Korte Suprema ang ayon sa kanya’y “kabaliwan”
na nakaka apekto sa ABS CBN matapos na mag labas ng utos ang National
Telecommunications Commission (NTC) na ipasara din ang dalawa pang broadcast platform
ng nasabing istasyon.
Sa isang
pahayag Miyerkules (Hulyo 1), binatikos muli ni Pangilinan ang gobyerno dahil sa
pag atake umano nito sa ABS CBN sa kabila nang may pandemya sa bansa na mas dapat
unahin.
“We hope
the Supreme Court puts on the brakes on this madness. Libu-libong mga empleyado
ng stasyon ang mawawalan ng trabaho at milyon-milyon naman na manunuod ang
mawawalan ng access sa impormasyon sa kahibangan na ito,” ayon pa sa senador
Ayon sa
kanya, patuloy lang umano ang pang aabuso ng administrasyon kung hindi makiki
alam ang korte at publiko.
Kamakailan
lang ay inihayag ng ABS CBN na naglabas ang NTC ng dalawang cease and desist
orders laban sa TV Plus at Sky Direct.
Inatasan
ang ABS-CBN na ihinto ang operasyon ng digital TV transmission nito sa Metro
Manila gamit ang Channel 43, na makakaapekto sa mga show sa TV Plus na CineMo,
Yey, TeleRadyo, at pay-per-view na KBO.
Kabilang umao
ito sa listahan ng mga radio at TV station na pinatitigil ng NTC ang operasyon
sa inilabas na cease and desist order noong Mayo 5 laban sa Kapamilya network.
Matatandaang
nag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN noong Mayo 4 kaya tigil-operasyon ang free
TV at radio operation nito.
Inutusan
din ang cable company na Sky Cable Corporation na agad itigil ang operasyon ng
Sky direct-to-home satellite transmission nito, na makakaapekto naman sa mga
Sky Direct satellite dish nito.
Ayon sa
NTC, “Sky Cable should immediately cease and desist operating its Direct
Broadcast Satellite Service”.
0 Comments