Isang beteranong direktor at sikat na talent manager na si Johnny Manahan, ay may matapang na pakiusap sa mga kongresista na nagnanais ipasara ng tuluyan ang giant network na ABS-CBN.
Pahayag ni Manahan, "The Marcoses stole ABS-CBN from the Lopez family in 1973! Please do not steal it again!!!"
Sa isang open letter na sinulat ni Mr. M (kung tawagin si Johnny Manahan ng mga kapamilya stars) para sa mga kongresista, nagsusumamo ito na sana ay pagbigyan na aplikasyon ng ABS-CBN na mabigyan ng panibagong prangkisa.
Ang kanyang open letter na ibinahagi sa social media accounts ng Star Magic nitong nakaraang Linggo, July 5, kung saan binalikan ni Manahan ang halos limampung taon niya sa entertainment industry.
Bago pa man marating ang isa sa pinakamataas ng posisyon sa ABS-CBN bilang head ng Star Magic, iba't ibang klase ng trabaho ang pinasok ni Manahan sa Kapamilya network.
Pahayag ni Manahan, Nang ideklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang martal law, kabilang ang ABS-CBN sa mga kompanyang kinamkam ng gobyerno noong 1973.
Dahil dito, naging "Indie/Freelancer" sa loob ng labing tatlong taon si Manahan sa lahat ng TV channels sa Pilipinas—2, 4, 5, 7, 11, at 13.
Nang mapatalsik ang mga Marcos noong 1986, sa pamamagitan ng mapayapang People Power Revolution, kabilang si batikang direktor sa mga umakyat sa pader upang palayain ang ABS-CBN compound mula sa kamay ng mga militar.
Kasama niya rin daw noon ang dating APO Hiking Society member na at kilalang kritiko ni Pangulong Duterte na si Jim Paredes at ang yumaong aktor na si Johnny Delgado.
Matapos nito, ay nakabalik ng muli si Manahan sa muling pagbubukas noon ng ABS-CBN.
" ... and when Freddie Garcia (FMG) asked me to transfer 2 of the highest rating shows I had in channel 13 to restart a sputtering ABS-CBN re-launch, this started my 34 years journey with the nascent ABS-CBN Corp." kwento pa ni Mr. M.
Dito na raw nagsimula ang karera ng Star magic head kung saan at nakilala na rin nya ang Lopez family at ang Lopez organizations.
"Dito na nagsimula ang tatlumpu't apat naming samahan. Nakilala ko ang mga Lopez at mga kapisanan sa loob ng mga taong ito."
Ani pa ni Manahan, "None compares to them when it comes to a progressive, meritorious, compassionate and decent organization. Maybe the Ayala and Gokongwei gangs."
Ang mga Ayala at Gokongwei ang dalawa sa nangungunang business families sa Pilipinas.
Hindi naman pinalampas ni Manahan na pahagingan ang tinawag niyang "Gang of 4" na gustong tapusin na ang "long run" ng ABS-CBN.
Kung papaano nila papahintuin ang ABS-CBN ay sa pamamagitan daw ng "niggling, petty-fogging, and hair-splitting, they have unearthed technicalities that only a talmudic scholar or medieval philosopher would appreciate." dagdag pa ni Mr. M.
Kabilang sa tumutuligsa sa ABS-CBN sa pagdinig sa Kongreso ay sina SAGIP Representative Rodante Marcoleta, Anakalusugan Representative Michael "Mike" Defensor, at Cavite Representatives Elpidio Barzaga Jr. at Jesus Crispin "Boying" Remulla.
Subalit sa kabilang banda, sinabi din ni Manahan na, "ABS-CBN is not perfect. No one said it was.
"It is open to criticism and is willing to correct mistakes and take concrete steps to improve itself."
"So let us not throw away the baby along with the bathwater!!!" paliwanag pa nito.
Sa bandang huli ng kanyang open letter ay buong pagpapakumbaba na nakiusap si Manahan sa mga mambabatas na bigyan ng panibagong pagkakataon ang ABS-CBN.
"It was right to bring to light the true conditions of the workplace and the pittance received by technical crews and artists working 22-24 hours per day. You got that right Cong. Mike!" anito.
"I hope you, Cong. Boying and your fellow lawmakers in the committee and in the House as a whole appreciate the ABS-CBN record of Entertainment and Public Service and find it in your hearts to grant a re-issue of the ABS-CBN franchise."
"Millions of people around the world depend on it."
"The Marcoses stole ABS-CBN from the Lopez family in 1973! Please do not steal it again!!!" giit ni Manahan.
Si Mr. M ang kasalukuyang chairman emeritus ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN na responsable sa career ng mahigit 300 artista ng pinakamalaking broadcast station sa Pilipinas.
Narito ang kabuuan ng kanyang open letter sa nakapost sa Star Magic social media accounts nito:
BUKAS NA LIHAM PARA SA MGA KINATAWAN NG KONGRESO
Ako po si Johnny Manahan. Sa susunod na taon, ipagdiriwang ko na ang aking ikalimangpung taon sa industriya ng pagtatanghal. Marahil taong 1960 nang ako ay dumalo sa pagbubukas ng ABS-CBN Studios sa Bohol Ave. Dito nagsimula ang aking karera bilang isang gofer, designer, music coordinator, crane operator, floor director at sa kinalaunan, isang Direktor nang taong 1970.
Dahil sa Martial Law noong 1973, nagpalipat-lipat ako nang labing tatlong taon bilang indie/freelancer sa Channel 2,4,5,7, 11 at 13.
Noong 1986, sa gitna ng pag-aaklas sa EDSA, umakyat ako sa pader kasama nila Jim Paredes at Johnny Delgado para palayain ang himpilan ng ABS-CBN mula sa kamay ng mga militar. Nang sabihan ako ni Freddie Garcia (FMG) na ilipat ang dalawa sa pinakasikat kong palabas sa Channel 13 para sa panimula muli ng ABS-CBN, dito na nagsimula ang tatlumpu't apat na taon naming samahan sa ABS-CBN.
Nakilala ko ang pamilya Lopez at mga kapisanan nito sa loob ng mga taong ito. Wala silang katumbas pagdating sa pagiging progresibo, marangal, mapagkumbaba at disenteng organisasyon. Maliban na lang siguro sa mga Ayala at Gokongwei.
Ngunit, ngayon, tila baga ninanais ng Gang of 4 makita ang katapusan ng ABS-CBN Corp. sa pamamagitan ng kanilang paulit-ulit at masusing paghahanap ng pinakamaliit na kamaliang teknikal na tila mapahahalagahan lamang ng mga pilosopong Hudyo noong sinaunang panahon.
Hindi perpekto ang ABS-CBN. Walang nagsasabi na wala itong kamalian. Bukas po ang kumpanyang ito sa mga pagpuna at layon nutong itama ang kamalian para mapagbuti ang paglilingkod. Kaya wag po sana nating isawalang bahala ang kabutihang naidudulot ng ABS-CBN dahil lamang sa iilang kakulangan nito.
— Star Magic (@starmagicphils) July 5, 2020
0 Comments