Larawan mula sa Facebook at YouTube |
Dumulog na
sa programa ni Erwin Tulfo para humingi ng tulong ang ina ng napaslang na lady driver
sa Laguna na si Jang Lucero.
Ayon sa ina
ni Jang, nais niyang isama sa imbestigasyon ang karelasyon ng anak na si Meyah
Amatorio matapos niyang makita ang mga larawan na may pasa si Jang gawa ng
kanyang kasintahan.
Sinabi ni nanay
Angela na nananhimik umano ang kapulisan ukol sa kaso ng kanyang anak kaya siya
ay lumapit na sa tanggapan ni Erwin Tulfo.
“Kasi
hanggang ngayon wala pa ako linaw sa kaso doon. Kahit sinong magulang, sakit.
Hustisya tlaga ang ano ko…na makapag ano sa kung sino pumatay sa kanya.”
Nanawagan din
ang ina ng lady driver na huwag hayaang makalabas ng bansa si Meyah dahil may
posibilidad na ito ay sangkot sa krimen.
“May
nagsabi sa akin…nagsusumbong sa akin na sinasaktan sya sa likod…Yung sa akin
lang, hindi pwedeng mawala siya, kasi siya ang unang unang imbestigahan bakit
nangyari na pinatay ang anak ko.“ ayon kay nanay Angela.
Kamakailan
lang ay lumabas sa social media ang mga screenshot conversation ni Jang sa
isang kaibigan kung saan siya ang nagsusumbong ng kanilang naging away ni
Meyah.
Base sa
kwento ni Jang sa kaibigan, nakitulog umano ang isang kaibigan na si Thea sa
bahay nila ni Meyah, sa Taguig. Ngunit tila hindi naging maganda ang naging
nito sa magkasintahan at naging sanhi pa Ito umano ang kanilang pag-aaway at
naging dahilan para lumayas si Jang ng sandal sa poder ng kasintahan.
Sa naturang
conversation din, nabanggit ni Jang na hindi na siya umano masaya sa kanilang
relasyon ni Meyah.
Pinakita
rin ni Jang na may pasa ito sa braso at mayroon din daw siya sa kanyang likuran
na di niya makuhanan kaya naman tinanong ng kanyang kaibigan kung bakit bumalik
pa rin siya sa bahay ng kasintahan.
Samantala,
sa panayaman ni Tulfo kay Meyah ay mariin nitong itinanggi na siya ay may
kinalaman sa nangyari.
Hindi rin
umano totoo ang lumabas na balitang nagtatago na siya at nagbabalak na pumunta
sa bansa. Aniya, kung gagawin niya yun, parang pinatunayan niya lang na may
kasalanan siya sa pagkamatay ni Jang.
Samantala,
agad namang inaksiyonan ni Tulfo ang hiling ng ina ni Jang na huwag hayaang
makalabas ng bansa si Meyah.
Sa isang
panayam ay kinausap ni Erwin Tulfo ang acting spokesperson ng Bureau of
Immigration na si Melvin Mabulac. Gayunpaman, maari lamang nilang maharang ang
paglabas nito kung ipinag-utos ng korte.
0 Comments