Sharon Cuneta hopes Robredo will succeed Duterte: Sana manalo si Robredo, baka sakaling bumalik ang pagka disente



Larawan mula sa IG live ni Sharon Cuneta


Emosyonal si megastar Sharon Cuneta na sinabing inaasahan niya na si Bise Presidente Leni Robredo ang pumalit kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamumuno upang ang pagiging disente ay maibalik sa bansa.

Sa halos isang oras na live na video ng Instagram, nag open-up ang aktres sa naging emotional challenges niya nitong mga nakaraang linggo, matapos maging target ng isang pagbabanta ang kanyang anak na si Frankie Pangilinan.


Patuloy na hinahanap ni Cuneta ang lalaki na nasa likod ng banta, kung saan ay kanyang sinabi na sisiguraduhin niyang magkakaroon ng hustisya matapos ang ginawa nito sa social media.
Ang nasabing lalaki ay kinilalang si Sonny Alcos na isa umanong tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Cuneta, ang kanyang naging pahayag ukol sa rape threats ay nag bunga ng galit sa mga taga suporta ng pangulo, kaya kanyang nililinaw ang relasyon niya kay Duterte at sa pamilya nito.

"I've always been good, or at least I've tried separating politics from friendships and relationships," ani Cuneta sa kanyang live video

"Ang trato sa akin ng Pangulo parang anak niya, ang tawag niya pa sa akin, 'the singer of my life,' tapos mahal ko si Inday Sara kasi maliit pa 'yan Sharonian na 'yan," ayon pa sa megastar


Si Duterte, ayon kay Cuneta, ay siya rin ang nakakumbinsi sa kanyang kapatid na si Chet, na tumakbo para sa Pasay mayor noong 2019, ngunit hindi pinalad na manalo.

Binigyan diin ni Cuneta na sa kabila ng atake ng administrasyon sa kanyang asawa na si senador Kiko Pangilinan, siya ay nanahimik at naging maunawain.

Bilang halimbawa umano na kanyang hinihiwalay ang pagkakaibigan sa pulitika, hindi siya nag endorso ng sinumang kandidato sa pagka pangulo noong nakaraang halalan ng 2016.


Hindi umano siya nangampanya para sa yumaong si Miriam Defensor-Santiago, kahit na siya ay "idolo" ni Cuneta; ni para kay Jejomar Binay, sa kabila ng pagiging kaibigan niya sa pamilya na pinangasiwaan niya ang kanyang kasal kay Pangilinan; ni para kay Duterte, sa kabila ng kanilang malapit na relasyon; ni para kay Mar Roxas, na ka-partido ng kanyang asawa.

"Ang gusto ko talagang maging presidente noon si Sen. Grace Poe. Isa pang ubod ng disente... Hindi ko siya makapanya noon dahil si Kiko was with the administration,"  aniya

"I wanted Sen. Grace Poe to win, at alam ni Tatay (Duterte) 'yun." dagdag pa ng aktres

Inalala ni Cuneta na nangangampanya siya para kay Robredo. At napatunayan niya na si Robredo at ang yumaong asawa nito na si Jesse ay walang bahid sa larangan ng pulitika.*


"I don't know what's happened to our country. I hope VP Leni runs for president next time, dahil hindi na rin naman makakatakbo si Tatay next time," ayon kay Cuneta

"Napakadisente," kanyang paglalarawan kay Robredo.

 "Nakakatakot na kasi... Ngayon lang ako naka-experience ng ganito." dagdag niya

"Pagkatapos ng term ni Pangulong Duterte, sana talaga manalo si VP Leni kung tumakbo siya. Baka sakaling bumalik ang pagka disente ng karamihan sa atin." ani Cuneta

Sinabi rin niya na nabuksan ang kanyang mga mata matapos ang rebolusyong People Power na nagpabagsak sa rehimeng Marcos, dahil doon niya naintindihan na hindi maaring manatili sa kapangyarihan ang isang pangulo habambuhay.



Post a Comment

1 Comments

  1. nasira ang tunay na kahulugan ng “disente” ng dahil sa mga against kay Duterte!
    mas marami parin mga Pilipino ang hindi na papayag makabalik ang mga “disente”! Hindi kasi sila effective sa Pilipinas!

    ReplyDelete