Nakaka relate! Kiko Pangilinan is a proud dad for raising an outspoken daughter in Frankie

Larawan mula sa ABS CBN



Proud father si senator Kiko Pangilinan sa kanyang anak na si Frankie dahil sa pagiging outspoken nito lalo na sa mga isyung political.

Nakaka relate din umano ang senador ngayon dahil ito rin malamang ang naramdaman noon ng kanyang ama para sa kanya.

"Ngayon alam ko na ang naging pakiramdam ng Tatay ko nung isa akong nagmamartsa, nakikibaka at lumalaban na lider estudyante sa UP Diliman nung ‘80s nung panahon ng Diktadura." ayon sa isang Twitter post ni Pangilinan

"Pasensya na Daddy, ikaw din ang nagturo sa akin na mahalaga ang pagiging lider nung bata pa ako" dagdag pa nito

Hinikayat din ng senador na ipagpatuloy ng anak ang pagiging outspoken tulad niya noon.

"Go ahead then, @kakiep83. As my Father, your Lolo Dony, sought to understand what I did then despite the risks, so it is with me and you." ani Pangilinan

Kamakailan lang ay isa si Frankie sa umalma sa isang Facebook post ng isang police station sa Quezon Province tungkol sa pananamit ng mga kababaihan.

Ayon sa anak ng senador, hindi dapat turuan kung paano manamit ang kababaihan. Dapat ituro na bawal ang mangbastos at mangm0lestiya.
 
Nakipag sagutan din ang batang Pangilinan sa broadcaster na si Ben Tulfo tungkol sa nasabing isyu.

 “Rape culture is real and a product of this precise line of thinking, where the behavior is normalized,

"The way anyone dresses should not be deemed as ‘opportunity’ to sexually assault them. ever. Calling me hija will not belittle my point.” aniya






Post a Comment

0 Comments