Mga DDS pinag mumura ni Aling Marie sa Twitter


Larawan mula sa video 

Naging top spot sa Twitter ang isang Ale na kinilalang si Marie matapos niyang paulanan ng mura ang mga Diehard Duterte Supporter or DDS.

‘Tanga’, ‘walang kwentang Pilipino’ at ilan pang mura ang mga patama at banat ni Aling Marie sa mga DDS.

Agad na nag trend ang Aling Marie sa Twitter nitong Martes ng umaga dahil sa tweet ng isang netizen sa isang video kung saan makikita ang isang ginang na niratrat ng masasakit na salita ang mga taga suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa ale, hindi umano siya naniniwala na nababawasan ang mga masasamang tao sa Pilipinas sa kabila ng pangako ng pangulo na labanan ang iligal na droga.

“Lahat ng klase ng magnanakaw, ngayon nasa PIlipinas! Magnanakaw ng FB, ng account, ng post, ng comment, ng pera, ng karapatan, ng karangalan, lahat kayo!” ayon kay Aling Marie.

Sinabi rin niya sa video na hindi siya dilawan o kung anupaman.

“Uulitin ko ah, hindi ako dilaw, hindi rin ako pula, hindi rin ako puti, kayumanggi ako t*ng*na mo,” aniya pa.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 1.7 million na views ang naturang video ni Aling Marie at may 2.6k na retweets.

Samantala, narito naman ang ilang reaksyon ng mga netizens na nakapanood sa naturang video na ito ni Aling Marie.

“Nakakaawa naman si Aling Marie. Mukhang ang bigat-bigat ang pinagdadaanan sa buhay. Either lugi ang tindahan, nawalan ng trabaho kamag anak or walang income dahil sa pandemic, kaya puro hatred na ang puso... Pray ka lang Aling Marie. Malalampasan mo din mga pagsubok sa buhay mo.”

“Si Aling Marie ramdam ang hirap ng buhay not only for her but for others.  DDS lack empathy. They only serve one person that's why they are called fanatics.”

“Aling Marie is a fine example that you can be a “potty mouth” and still speak truthfully and articulately. “Mang Duts” is just a potty mouth. I never had a problem with the swearing and the cussing — it was the content.”

 

 

 


Post a Comment

0 Comments