Megastar di kinagat ang alibi ni Alcos sa rape-threat comment nito: Na-hack daw ang account

Photos courtesy of Pep and Facebook



Kamakailan ay nagpahayag ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na kanila nang natukoy ang pagkakakilanlan sa taong nagbanta ng rape sa anak nina Sen, Francis 'Kiko' Pangilinan at Megastar Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan.

Napag-alaman din na ang lalaking nagpost ng banta ay kinilalang si Sonny alcos o Sonny Co, na di umano'y kasalukuyang naka-base sa London, United Kingdom.

Ayon sa DOJ, inihahanda na ng NBI ang posibleng asunto na ihahain kay Alcos at maaring hingan din ng pahayag o di kaya ay maimbintahan ito ukol sa alegasyon.

Nagpahayag naman si Alcos ukol sa alegasyon at anito, na-hack daw ang kanyang social media account at itinatangging siya ang may kagagawan ng pagbabanta.

May ilang netizen pa ang nagpost ukol dito at dinepensahan si Alcos na totoong na-hack nga raw ang Facebook account nito.

Ayon sa comment ng netizen, na-hack daw ang account ni Alcos at yung hacker mismo ang nagcomment ng pambabanta kay Frankie, “MR CO’s Account was hacked he did not post such remark.”

“I know their family since grade school. Sana di mavictimize ng hackers family nyo and di nyo ma experience yung ma eexperience nila. GOD BLESS po,” sabi ng netizen. 

Hindi naman naging katanggap-tanggp sa ina ni Frankie ang palusot ni Alcos, bagkus ay nakahanap pa ang aktres ng pruweba na hindi na-hack ang account ng suspek.

Nakakuha ang megastar kamakailan ng isa pang pruweba ng pagbabanta mula sa isang lalake na nagngangalang Sonny Alcos na naglalaman ng parehong rape-threat comment.

Kumbinsido ang beteranang singer-actres na hindi na-hacked ang account nito, at ito mismo ang nagsulat ng rape-threat para sa kanyang anak na si Frankie Pangilinan. Kaya naman hindi nga kinagat ni Sharon ang alibi na `yon ni Alcos.

Parehong pinost ni Sharon ang dalawang mensahe ni Alcos, sa nauna niyang post, at nag-caption ang aktres na hindi siya naniniwalang may gumamit na iba sa account nito

“No, your account was not hacked. This was your original post!” giit ni Sharon.

Naka-off naman ang comment section ng post na ito ng megastar at deleted na rin lahat ng mga mensahe, pati na rin ang iba pang post ng Seasoned actress and TV host na may kinalaman sa rape isyu.

Post a Comment

0 Comments