Bagong bisikleta, iniregalo ng may ari ng tindahan sa lolong kulang ang perang pambili


Larawan mula sa video via Facebook 


Viral sa social media ang 87-anyos na si Carlos Samonte, na halos araw-araw umanong nag tatanong sa tindahan ng bisikleta pero imbes na pabayaran sa kanya ay iniregalo nalang ito ng tindahan sa kanya.

Ayon kay Fe Carandang, ang may-ari ng Carandang Bike Shop sa Pasay City, isang linggo na binalik-balikan ng matanda ang mini MTB bike na nais nitong bilhin, ngunit, 2 libo lang ang kanyang pera.

Ang pera ni Mang Carlos ay kulang sa kalahati ng mini MTB na bisikleta ay may original price na 4, 500.

Ngunit nitong Miyerkules, di inaasahan ng matanda na makukuha na niya ang inaasam na bisiskleta. Imbes na pabayaran ay ibinalik ng may ari ang pera kay Mang Carlos at sinabing: “kunin mo na 'yan, regalo namin sa iyo”

Kitang-kita sa video na kuha ni Bayan Patroller Juhdel Berido Pagador ang saya ng Mang Carlos dahil sa kanyang natanggap.

Ayon pa sa ulat, bumalik pa umano si Mang Carlos para muling mag pasalamat.

Tunay na nakakatuwa ang makabasa ng ganitong balita, na sa kabila ng pandemic sa bansa ay may mga taong mabubuti ang loob at patuloy na tumutulong sa kapwa.


Post a Comment

0 Comments