Angelica sa pagkawala ng Banana Sundae: 'Kapag nakabalik kami, sigurado akong mas malakas kami'

Larawan mula sa PEP at Inquirer


May madamdaming pahayag si Angelica Panganiban bilang pamamaalam sa mga kasamahan niya sa Kapamilya gag show na Banana Sundae.

“MASAKIT kasi, magwawatak-watak na tayo.” Ayon pa emosyonal na aktres, mula sa mahabang “farewell speech” na kanyang ipinost sa Instragram

“Halos labing dalawang taon tayo nagpapatawa at nagpapasaya ng mga tao. Sa pinaka unang pagkakataon, kanina, umiiyak tayong lahat.

“Masyadong masakit na makitang durog na durog tayong lahat. Sa ganitong panahon, ito ang pinaka huli nating pwedeng maramdaman. Ang mawalan tayo ng tahanan,

“Masakit. Kasi, intensyon lang natin magpasaya, makatulong. Masakit, kasi, marami sa atin ang hindi na alam kung paano itutuloy ang buhay. Masakit kasi, magwawatak watak na tayo.

“Sa mga salita na ibinabato niyo sa amin para tuluyan kaming tapak tapakan, walang sinabi yun sa sakit na nararamdaman naming lahat ngayon.

“Pare parehas naming hindi alam ngayon kung paano pa kami lalaban. kung saan pa kami kukuha ng lakas. Gusto naming isipin na pansamantala lang ‘to. Magkikita kita ulit tayo,

“Gusto naming lumaban para sa mga kasamahan namin sa trabaho. Gusto namin ipaglaban ang pamilya namin. Gusto na namin ng katahimikan sa mga tanong namin.” Ayon sa mahabang pahayag ni Angelica

Gayunpaman, sinabi ng Kapamilya actress na sila ay lalaban at magututulungan. Naniniwala din siya na mas magiging matatag ang bawat isa sa kanila.

“Kahit ganito, lalaban kami. Magtutulungan kami. Kapag nakabalik kami, sigurado akong mas malakas kami. Palagi namin tinatanong sa simula ng show ang ‘okay ba kayo jaaaan’…

“Ngayon naman, kami ang hindi ‘okay’. Kaya naman… Hanggang sa muli na lang muna tayo mga kabanana. Salamat sa halos labing dalawang taon. Mahal na mahal ko kayo.”

Kasama ni Angelica sa Banana Sundae sina ohn Prats, Zanjoe Marudo, Pokwang, JC de Vera, Jayson Gainza, John Pooh, Ritz Azul at Sunshine Garcia na tumagal ng halos labing dalawang taon bilang programa ng ABS CBN.

 


Post a Comment

0 Comments