Angel Locsin umapela sa PNP na palayain na ang 6 jeepney driver: 'Konting puso at konsiderasyon"



Photo courtesy of Facebook


Nagsusumamo at nakikiusap ang Kapamilya actress na si Angel Locsin sa Philippine National Police (PNP) na palayain na ang anim jeepney drivers na naaresto kamakailan sa Caloocan.

Ayon sa Darna actress, hiling nya ay konting Konsiderasyon at pang-unawa sa PNP lalo na sa mga pulis na umaresto at nagkulong sa anim na drivers na “nag-rally” nitong Martes sa Monumento, Caloocan City.

Naaresto ang anim matapos ang pagtitipon-tipon ng mga drivers para idulog umano ang kanilang panawagan na payagan na silang makapasada muli.

Humihingi na rin ng sila ng ayudang pinansyal matapos ang halos tatlong buwan na pagkaka-tengga sa pasada ng public transportation bilang pagsunod sa enhanced community quarantine sa Metro Manila.

Hinaing ng mga drivers, walang-wala na silang magastos para sa kanilang nagugutom na mga pamilya bunsod ng pagkakatigil pasada.

Sa post naman ng aktres sa kanyang Instagram story, nakiusap si Angel na bigyan ng kahit kaunting konsiderasyon ang mga jeepney driver na hinuli dahil sa kanilang paglabag sa ipinatutupad na health protocols ng gobyerno at hindi pagsunod sa utos ng mga otoridad na pansamanatalang pagbabawal ng mass gathering lalo na sa kalsada.

“Pls. if you cannot help them, let them go home. They just want food for their families. Maraming gutom." ani Angel

“Sabihin na nating may natanggap pero hindi natin alam kung enough na ba yun para sa pamilya nila para mapilitan silang lumabas." dagdag pa ng aktres.

Sa caption ng IG post ni Angel na ipinost niya sa news item ng ABS-CBN, “Konting puso and consideration,” 

Sasampahan ng kasong "disobedience to social distancing at mass gathering, at resistance to persons in authority ang anim na jeepney drivers. 

Ayon sa pahayag ng PNP, makakalaya lamang ang mga inarestong driver kapag nakapagpiyansa na ang mga ito.

Sa pahayag ng Piston ang anim na drivers ay sasailalim sa inquest proceedings at magmumulta pa ng tig-P3,000 bawat isa. 

Bukod sa mga kasong kakaharapin ng anim, pawang napaka bigat na para sa mga ito ang tatlong libong piyensa para sa kanilang paglaya.

Bagaman ang anim na nahuli ay sumusunod naman di umano sa physical distancing at nakasuot ng face masks habang nasa kilos protesta dagdag pa ng Piston.

Isa sa anim na naarestong drivers ay kinilalang si Ruben Baylon na syang Deputy General ng transport group ng Piston.


Post a Comment

0 Comments