'Wag payagang makapag operate ang ABS CBN! NTC binalaan ni Calida

Solicitor General Jose Calida / :Larawan mula sa Philstar



Matapos na magbigay ng babala ni  Solicitor General Jose Calida sa National Telecommunications Commission (NTC), posibleng hindi na masilayan ang ABS CBN sa TV screens simula May 4.

Nag babala si Calida sa NTC na huwag bigyan ng provisional authorities to operate broadcasting services ang ABS-Corporation na mag eexpire na sa naturang petsa.


Kamakailan lang ay nanawagan si House Speaker Alan Peter Cayetano at House Committee on Legislative Franchises chair Palawan Rep. Franz Alvarez na mabigyan ng authority ang media giant habang hindi pa napagdedesisyunan ng Kongreso ang tungkol sa franchise renewal ng Kapamilya network, 

Bilang tugon naman dito, sinabi ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba noong March 10 na maglalabas ng  provisional authority ang kanilang ahensya base sa opinyon ng Department of Justie na payagang makapag-operate ang ABS CBN.

Ayon naman kay Calida, batay sa desisyon ng Korte Suprema noong 2014, maaari lamang makapag bigay ng provisional authority ang NTC sa isang broadcasting company tulad ng ABS CBN kung sigurado na magkakaroon na ito ng prangkisa sa Kongreso.

“The NTC cannot issue a PA when the broadcast company has no valid and existing legislative franchise,” ani Calida


Kailangan din umanong mag apply ng Certificate of Public Convenience ang isang network sa NTC para makapag-operate.

“No less than the Constitution requires a prior franchise from Congress. Hence, when there is no renewal, the franchise expires by operation of law. The franchise ceases to exist and the entity can no longer continure its operations as a public utility,”  ayon pa sa Solicitor General

Nilinaw din ni Calida na hindi sapat ang opinyon ng DOJ na maging legal basis para makapag bigay ang NTC ng provisional authority at hindi rin ito dapat sundin pagdating sa equity considerations dahil may batas naman sa Konstitusyon ukol sa pagbibigay ng prangkisa.


Kung hindi umano makikinig ang NTC ay maaring makasuhan ang mga commissioner ng ahensa sa ilalim ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Post a Comment

0 Comments