Matandang nangalakal dahil di napasama sa SAP, nabigyan na ng tulong ng mga netizens



Larawan mula sa Facebook live ni Jham Mhumai


Umantig sa puso ng mga netizen ang kwento ng isang matandang babae dahil sa kanyang pagsisikap na magkaroon ng pang bili ng pagkain para sa kanyang asawa na isa ring senior citizen.

Ayon sa isang Facebook live na binahagi ng netizen na si Jham Mhumai, makikita ang matanda na may bitbit na sako na lakas loob na nangangalakal.


Ang matandang babae ay mula umano sa Brgy. Tipo, Hermosa Bataan. Siya ay nangangalakal matapos hindi mapasama sa ayuda ng gobyerno sa pamamagitan ng Social Amelioration Program o SAP ng DSWD.

"Hello po sa lahat.. Sya poh c nanay claudia tga BRGY. TIPO HERMOSA BATAAN hndi poh sya nsama mbigyan ng tinatawag n sap n mula s dswd hndi qoh poh alam kng bakit d cla nsama s listahan at anu bah ang qualified s dswd pra maisama xa n mbigyan ng sap... D n kau naawa manga2lakal nlang ung matanda pra my ipangbili ng ka2inin nila mag asawa.. " ayon sa caption ni Jham.

Dahil dito, may mga naawa sa mag asawa at nagbigay ng tulong para hindi na lumabas at mangalakal ang matanda sa gitna ng araw para lamang makakain sa araw araw.

May mga nagpaabot kaagad ng sunod sunod na tulong para sa mag asawang matanda. 


Dahil sumailalim sa community quarantine ang karamihan sa mga lugar sa bansa, naging limitado ang paghahanap buhay ng mga tao kaya nagkaroon ng SAP mula sa DSWD.

Post a Comment

0 Comments