Kim Chiu, pinatulan ang bashers matapos mag-viral ang kanyang 'Law of classroom' quote


Photo courtesy of Remate online


Pumalag na ang Kapamilya star na si Kim Chiu hinggil sa mga pambabash sa kanya ng mga netizens sa social media.

Sa article ng KAMI, Nitong nakaraan ay nagpost ang aktress sa kanyang Youtube channel ng 20-minute workout video kung saan ay dinumog ito ng mga negatibong komento mula sa mga neitzens.



Hindi na napigilan ni Kim ang emosyon at nakuha na nitong pumatol sa kanyang mga bashers makaraan ang maka-kontrobersyal pagsasara ng Kapamilya network.

Nag-isyu ang National Telecommunications Commission (NTC) ng 'cease and desist' order sa kanilang istasyon habang hinihintay pa ang pagdinig ng kongreso hinggil sa prangkisa nito.

Narito ang pakikipagsagutan ng aktress sa kanyang mga bashers sa social media:

“Duh waste of time.” sabi ng netizen na si @Dereon Girl.



“Thank for the comment though! I think mas waste of time ginawa mo!” Kim replied.



Ayon naman sa isang Aileenfia Lopez: “Wag puro ktawan pagandahin mo saka mukha mo.Magbasa ka din kya bra may malamn ka nmn wla akong naintindihan sa kakaputak mo eh.” 

Agad namang sagot ni Kim, “Try mo din kaya tanggalin filter sa mga pictures mo! Puro ka filter eh! peace!!” 



“Totoo b n naambush k or drama lang po yun?” tanong naman isang netizen



“I dont want to explain myself more! Pero logic is itataya mo buhay mo para sa “drama” ?! Kung ikaw nasa lugar ko? Palibhasa gusto nyo may mamatay eh!!! Para maniwala kayo! Pero yung pamilya ko labis ang pasasalmat sa dyos na walang nangyari samin. Kayong makikitid ang mga utak! Ilagay nyo sarili nyo sa position ko. Dun nyo simulan mag isip,” ani Kim.



Komento naman ni netizen: “Akala mo kasi hirap n hirap ka na sa buhay!paano ma yong simpleng mamamayan di ba na no work no pay!masyado mo niyayabang yang karangyaan nyo!akala nyo ikamamatay nyo na ang abs! Ano kayo ngaun huh!? Magpasalamat kayo at di nyo naranasan ang maging mahirap sa mundong ibabaw! Maayogn mong pakungon ni coco martin!”

 “I did not speak for myself! Ako okay naman ako!! Eh yung iba na walang boses? Na basta nalang nawalan ng trabaho. Yung pinakamaliit na mangagawa ng abs, saan sila mapupunta?. Pag sila ba nag salita papakinggan nyo?... nila? Hindi diba?... ginawa ko yun hindi yun para sa sarili ko kundi para sa mga empleyado ng abscbn,” sagot ni Kim dito.

“Wag na mag english ui HAHA” banat naman ni @zZz DialNomo



“Eh gusto ko! Bakit anong problema? Marunong naman ako kahit papano! Bakit ka nanood? Baka hindi mo kasi naintindihan!!!!!” sagot naman ng aktress.

Sabi naman ng isang basher, “Yan ganyan na lang gawin mo kung san ka magaling haha umimpis na utak kaka-work out eh.

“Sa dami ng sinabi ko! Dalawang oras kami nag sasalita duon! Yun lang na pick up mo?!! Mas low ka pala sakin eh! Di naman kita kilala pero kung makapag salita ka! Sobra ka! Ikaka proud ba ng nanay mo yung sinabi mo?!” saad ng Chinita Princess. 

Marahas na banat naman ng isang netizen, “Mag ka ncov ka sana!! Lahat kayo na sa abs artist, mamatay namu!! Pweee”

 “Inaano ka ba namin???? Bakit sagad yung galit mo?!! May nagawa ba kami sayo?....” tanong ni Kim sa basher.

Sa kabila nito, nakatanggap din naman ng maraming magaganda at positibong komento mula sa mga netizens na ikinatuwa naman ng Chinita Princess:




Post a Comment

0 Comments