Iba ang Wais! Barberong mister, namangha sa misis dahil sa naipon na P217,000 mula sa mga tip

Larawan mula sa CFO PESO SENSE page



Iba talaga ang wais na misis!

Ibinahagi ng isang may bahay ang kanyang pagiging wais sa buhay, bagay na ikinamangha naman ng kanyang mister.

Ayon sa kwento ng di nagpakilalang misis, kanyang iniipon ang perang galing sa tip sa kanyang mister na isang barbero na umabot sa halagang ₱217,000 ang kabuuan.



Kwento pa niya, hindi siya maluho at sapat na umano ang nasa ₱350 na budget para sa gastusin sa ordinaryong araw nilang pamilya.

“Basta buong tip niya sa work araw araw sa akin lahat..Pinakamababa na ang 400 ang tip niya kung minsan.. pero madalas 1700 inuuwi niya.. Sa loob nang isang araw 350 budjet ko sa bahay everyday.. Hindi po ako maluho o magastos pero minsan nasasabihan akong kuripot... Yung tip ni husband hindi ko nilulustay kundi nagtatabi ako madalas 1K na buo..” ayon sa post ng CFO Peso Sense kung saan naibahagi ang kwento

Dagdag pa ni misis, kahit walang pasok ang kanyang mister dahil sa COVID-19, hindi siya nababahala dahil sigurado siyang may madudukot sa kanyang naipong pera.

Nagtataka pa umano ang kanyang mister dahil araw-araw ay masasarap ang pagkain na kanyang niluluto para sa kanila.



“Nagtataka si Hubby bakit araw araw masasarap na pagkain ang palagi kong niluluto saan daw ako kumukuha nang pera samantala hindi naman daw xa nag aabot nang sahod niya sa akin..” aniya

“Nung pinakita ko ang laman nang pouch ko nagulat siya sabay laki mata niya at binilang niya.. Nung nabilang niya bigla niya akong niyakap sabay sabi ang sinop mo pala sa pera.. 217,000 ang perang naipon ko sa pamamagitan lamang nang tip niya..” dagdag niya

Dahil sa "no work, no pay" habang naka quarantine, karamihan sa mga Pilipino ay nangangamba kung saan kukuha ng pera para sa pagkain at gastusin.  Kaya, iba tlaga kung may madiskarte sa pamilya.



Agad namang nag viral ang post na ito, na umabot na sa 993 shares sa kasalukuyan at madami talaga ang humanga sa wais na misis.



Post a Comment

0 Comments