Coco Martin ayaw sumuko sa laban: 'ABS-CBN Itinatag at pinapatakbo ng mga Pilipino'



Photo courtesy of Instagram @mr.cocomartin


Ang Probinsyano star na si Coco Martin, at patuloy pa ring lumalaban at sumisigaw ng katarungan para sa kanyang pinakamamahal na network at para sa labing isang empleyado na mawawalan ng hanap-buhay.

Naglabas ng hinaing ang actor sa kanyang Instagram account, at iba’t-ibang quotes hinggil sa isyu na kinakaharap ngayon ng giant network sa bansa.



“Lumaban para sa karapatan at manindigan para sa bayan!,” ang patuloy na panawagan ni Coco Martin sa kanyang Instagram account.

Hindi siya sumuko sa ipinaglalaban ng kapwa nyang manggagawa ng ABS-CBN kahit umani pa siya ng maraming panlalait sa mga basher.

Bukod pa rito, nag-post din ang aktor ng quote card sa kanyang IG na may mensaheng: “ABS-CBN, ITINATAG AT PINAPATAKBO NG MGA PILIPINO."

“NAGBIBIGAY TRABAHO PARA SA MGA PILIPINO."



“NAGLILINGKOD PARA SA MGA PILIPINO."

#IbalikAngABSCBN.”

Matatandaang isa si Coco Martin sa mga Kapamilya Stars na matapang na humarap at naglabas ng kanilang mga hinaing ukol sa pagpapasara sa ABS-CBN dahil na din sa pagkaka-paso ng prangkisa nito.

Dahil ditto, kabi-kabila ang inani nilang pamba-bash mula sa mga netizens, maging ang kapwa Kapamilya stars na sina Kim Chiu at Angel Locsin ang naging viral din sa social media dahil sa mga sentimiento nito sa pagpapasara sa kanilang network.

Post a Comment

0 Comments