Trillanes dinepensahan ang mga taong patuloy na lumalabag sa ECQ: ‘Di agad pasaway’




Photo courtesy of ABS-CBN

Ipinagtanggol ng dating senador Antonio Trillanes ang mga taong lumalabag sa enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon sa Twitter post ng dating senador, kailangan lang ng kaunting pang-unawa para sa mga taong patuloy pa din lumalabas ng kanilang mga bahay at huwag agad huhusgahan.


May iba kasing mga tao na agad hinuhusgahan na "pasaway" daw ang mga ito, sa kabila ng mga babala na pumirmi muna sa kanilang mga tahanan upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Dagdag pa ni Trillanes, maaring ang mga taong lumalabas ng kanilang mga bahay at patuloy na makikita sa mga kalsada ay may mga importanteng gagawin.

Maaring ang mga taong ito ay papasok sa kanilang mga trabaho kung sila ay nagtatrabaho sa mga ospital, o di kaya naman ay kailangang nilang mamalengke o di naman kaya sila ay walang mga tahanan o "homeless".

Huwag naman sana agad husgahan at tawing mga pasaway ang mga taong ito bagkus ay bigyan ng konting konsiderayon at pang-unawa.


“Ang mga taong nsa labas ng bahay ay di agad pasaway. Bka sila ay: 1. Ppunta o mgtatrabaho sa plengke/ospital; 2. Di na mkatiis sa init,sikip ng bahay nila kc wla silang aircon/garden gaya ng mga maykaya sa buhay; 3. Sa lansangan sila nktira,” ayon sa Tweet ni Trillanes.

“Bottomline, wg kyo mainis agad sknila,” dagdag pa nito.

Nagpahayag kamakailan ng pagkadismaya ang Pangulong Duterte sa mga taong patuloy na lumalabag sa quarantine rules, at kung magpapatuloy ang kawalang disiplina ng mga mamayan sa pagsunod sa ecq ay mapipilitan syang mag deklara ng total lockdown o ang tinatawag na "Martial law-like lockdown".

Sa pagkakataong ito, maari nang mga sunadalo at mga pulis na mismo ang magpapatupad ng lockdown upang masunod ang lockdown sa iba't-ibang mga lugar sa Metro Manila.


Mahaharap sa kasong paglabag sa R.A 1469, section 9 o mas kilala bilang "Bayanihan to Heal as One Act," na maaring makulong hanggang dalawang buwan o magpyensa ng P10,000 o higit 1 Milyon o parehong pagpapataw ng parusa.


Post a Comment

0 Comments