Mga Chinese vessels patuloy sa pag-island hopping sa pagmimina sa kabila ng ECQ


Photo courtesy of Manila Bulletin and Inquirer


Kasunod ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Luzon-wide lockdown o ang tinatawag na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Kanyang ipinag-utos ang mahigpit na pagpapatupad ng ECQ sa buong Luzon at maging sa mga probinsya sa karatig rehiyon ng Visayas at Mindanao upang mapigilan ang pagkalat ng pandemyang COVID-19 na patuloy lumalaganap sa buong mundo.


Sa kabila ng ECQ, nariyan naman ang mga Chinese sea vessels at patuloy sa kanilang operasyon ng pagkwa-quarry sa iba't-ibang kapuluan ng Pilipinas.

Sa katunayan, kamakailan lang ay napabalita na may dalawang Chinese vessels ang dumating sa isla ng Semirara sa Antique, na syang kilala bilang Coalmine reservoir sa Pilipinas. Labis itong ikinabahala ng mga residente at lokal na pamahalaan ng Antique.

"Nanawagan ang Save Antique Movement sa ating pamahalan na sana mahinto na itong pagpasok ng Chinese vessels sa Semirara at lalo na ma-lockdown o ma-stop ang operation ng Semirara Mining and Power Corporation para ma-contain and mitigate ang spread ng COVID-19 sa isla ng Semirara," ayon sa pahayag ni Bong Sanchez, president of the environmental group Save Antique Movement (SAM).

"Lalong nangangamba po ang mga residente ng Semirara sa patuloy na pagpasok ng mga Chinese vessels sa isla ng Semirara dahil alam nila na ang pinagmulan ng COVID-19 ay ang bansang Tsina," dagdag pa ni Sanchez.


Dumaong ang nasabing Chinese vessel sa Semirara Island noong nakaraang Biyernes, kasabay din noong araw nang ideklara ng Department of Health (DOH) na mayroon ng tatlong nagpositibo sa COVID-19.

Kaya naman nagdeklara ang lokal na pamahalaan ang Antique ng localized lockdown, kasabay ng pagdating ng nasabing barko ng mga dayuhang intsik.

Kaya naman, lumalabas na lumabag ang mga Chinese vessels na ito sa mga polisiya kaugnay sa ECQ gaya ng mahigpit na pagbabawal sa pagbyahe ng anumang sasakyan sa mga karatig lugar.

“The government made it mandatory for residents to stay home, but it’s ok for the Chinese vessels to come in,” ani pa ni Sanchez.


Agad na nag-utos ang lokal na pamahalaan ng Caluya, na syang nakakasakop sa isla ng Semirara, na mahigpit na ipibabawal ang pagbaba o paglabas ng mga chinese crew members ng nasabing barko upang maiwasan ang pagkalat ng corona virus sa lugar.

Kamakailan lang ay naipabalita na pinayagan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magsagawa ng pagkwa-Quarry sa isla ng Homohon, Eastern Samar sa kahit na nagdeklara ng ECQ  ang Samar.

Matatandaang nitong Abril 3, sinuspinde ng DENR ang Mineral Ore Export Permit ng Techiron Resources, isang mIning company na nakabase sa Eastern Samar na syang may-ari ng M/V VW Peace, isang Panama-registered vessel.

HIndi pinahintulutan ng mga otoridad ang barkong M/V VW Peace ay may lulang na 13 Chinese at apat Myanmar nationals na syang maghahakot sana ng 7,000 metric tons ng chromite ore na nagkakahalagang 61 milyong piso.


Ngunit kalaunan, ay pinahintulutan din ito ng DENR na mag-operate nitong Abril 11, matapos ipahintulot ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang operasyon ng mga export-related industries kahit na may ECQ.

Ayon sa DENR nagbase lamang sila sa memo ng Department of Trade and Industry’s (DTI) Memorandum Circular No. 20-08 na nilagdaan ng Pangulong Duterte noong Marso 20. Nakasaad sa memo ang sumusunod, “guarantees the unhampered movement of all cargoes and transit of personnel of business establishments allowed to operate during the quarantine period.”

Ikinadismaya naman ni Congressman Ruffy Biazon ang hakbang na ito ng DENR. Ayon sa kogresista, ang nasabing resolusyon ng IATF-EID ay para lamang maiwan ang pagka-delay sa pagdating ng iba't-ibang mga kargamento lalo na ang mga basic commpodities.

“It was meant to avert any threat of shortage of basic food, essential hygienic products and medical products. Export of minerals has nothing to do with that,”  ani Biazon.


Nakiusap naman si Eastern Samar Governor Ben Evardone kay DENR Secretary Roy Cimatu na ipatigil ang operasyon at ng chromite ore sa mga nakadaong na barko dahil sa takot na maari dalang banta ng COVID-19 sa kanilang lugar.

“The people of Eastern Samar have raised serious concern on the possible danger this poses to public health while our province is under general community quarantine due to COVID-19,” pahayag ni Evardone sa kanyang liham.

“As of today, there are no confirmed COVID-19 cases in the Province of Eastern Samar. Our province has done all possible measures to protect our people from this disease,” base sa kanilang apela.

“This mining operation has given Estehanons anxiety and fear over the possibility that all our efforts to prevent this disease from entering our province will be put down the drain.”  dagdag pa ng governor.


Kinasihan naman ng simbahang katoliko at mga mamayan ng Eastern Samar sa panawagan ng kanilang gobernador. Sa panayam sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), sa pamamagitan ni Father Christian Ofilan ng St. John Baptist Parish sa bayan ng Homonhon.

“Nakakadismaya ang desisyon. We thought na ipagtatanggol kami ng gobyerno pero parang mas nangunguna ang interes ng foreign nationals,” pahayag ni Ofilan.

Nakakalungkot lang isipin na sa kabila ng pagbubuwis buhay ng aming mga frontliners at mga lokal na opisyales upang mabantayan at mapangalagaan at ligtas ang aming bayan mula sa banta ng pandemya, samantalang hinahayaan naman ito ng ating pamahalaan na patuloy pa din ang kanilang operasyon.

Patuloy sa pa din ang operasyon ng mga Chinese vessels na ito at tila nag-island hopping pa sa pagmimina sa ating bansa sa kabila ng ECQ. Samantalang, ang ating mga kababayan ay nagtitiis sa kanilang mga tahanan habang naghihintay sa pagtatapos ng ECQ.

Post a Comment

0 Comments