Kris Aquino, naubusan ng damit sa Galera, Optimistic pa din sa kabila ng COVID 19 crisis


Photo courtesy of TNT Abante


Dahil sa pagdedeklara ng enhance community quarantine, kasalukuyan pa ding nasa Puerto Galera pa rin sina Kris Aquino at mga anak na sina Joshua and Bimby, at aktibo pa din ito sa social media. 

Sa latest post ng binangsagan Queen of all media, ikinuwento niyang nagkaubusan na raw sila ng damit na isusuot kaya nagpabili na lang siya sa Puregold.


“Despite the uncertainty of today— isn’t it hopeful to know, our Father still managed to gift us with an awe-inspiring sunset? #faith.

“Nagkaubusan na ng damit- kuya’s shorts & mine were bought in Pure Gold, Calapan."  anito.

“Nakapagpalaba kami nung mga binili & i chose the most wearable shirts na baon namin, humiram ako sa kanila, house brand ng @thesmstore BALENO favorite ko kahit pwedeng night shirt na for me. Maganda ang quality ng his from @puregold_ph & matibay talaga ang BALENO."

“Habang gising pa ko if you have any questions, READY AKO,” post ni Kris.


Maraming netizens ang aktibo ding nakikipagpalitan ng psot kay Krissy at isa na nga rito ang netizen na nagkomento na ang cute raw na na-appreciate pala ni Kris ang pang-masang brand ng damit knowing kung gaano ito ka-choosy.

“This lockdown has taught me time to let go of too many clothes & shoes, hindi talaga necessity.” Tugon naman ni Tetay, 

Meron ding nagtanong kung nage-enjoy ba siya kahit na may pandemic at sagot naman ni Kris, “how do you enjoy when you hear about friends falling ill & others dying? But i cannot show my children i am weak, i got very dizzy 2 nights ago because of my low BP & had the good sense to sit on the stairs- i called out to bimb & he called everyone who was with us to help get me back to bed.”

Isa ring netizen (@itsninjamae) ang nagtanong, “What makes you the happiest these days? Praying for you, Kuya Josh and Bimb always. Stay safe.”


Agad namang sagot ni Kris, “reading while hearing the waves, watching the sunrise & sunset, having the energy to cook, eating flat tops, @checkticsay’s turon served fresh & still hot, knowing our daily tips sa resort staff help augment their food budget, yung pasabi ng mga frontliners na thank you kay ma’am kris sa pa merienda- my sons seeing for themselves i’m here for them & will keep them safe.” 

Mukhang nagustuhan din ni Kris ang kanyang stay sa Puerto Galera sa katunayan, sinabi pa nito na pag nag-college na raw si Bimby ay gusto nyang tumira dito.

Isang netizen naman ang nagtanong kung happy ba siya sa kanyang buhay ngayon at kung may mga regrets ba siya sa kanyang mga naging desisyon.

“I have ZERO reason to complain, we are comfortable, we have enough to share, and my sons & i are together... i believe there was a reason for us to be here. Bimb is asthmatic & i have autoimmune issues- kaya nilayo kami sa epicenter,” sagot ni Kris.


Isa din sa mga tanong kay Krissy ay kung ano raw ang gusto niyang balikan sa part ng buhay niya given the chance, 

"End of January 2007, i should have left with my dignity intact... and April 2014, the end should have been THE END.” sagot naman ni Kris.

Ngunut sa lahat ng mga tanong kay Kris, may isang nagtanong sa kanya na talaga namang nakaka-aliw ang sagot nito, tanong ng netizen kung saan siya allergic? agad namang sagot nito ay baka raw gamitin pa ng mga kaaway niya kaya hindi niya sasabihin. 

“Kung sagutin ko sa dami ng kaaway ng family namin ayokong maging mas madali for them to get rid of me... i may be under heavy medication but it doesn’t mean naging boba na ko,” ani Kris.

Post a Comment

0 Comments