Photo courtesy of Facebook @DSWD FO XII |
Sobrang nakakabilib ang ginawa ng isang ginang mula Magpet, North Cotabato, dahil sa pagsauli nya ng natanggap na ayuda mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ayon sa post na ibinahagi ng DSWD Field Office XII, kahanga-hangang inisyatibo ng ginang na ito, dahil nagawa nyang ibalik ang perang natanggap mula sa pamahalaan na kung tutuusin ay pwede na nyang ibulsa.
Binahagi ng DSWD XII ang kagandahang asal na ginawa ng ginang at kusang loob na nagbalik ng pera sa kanilang tanggapan at nawa'y maging inspirasyon sa iba.
Nais ng ahensya na magsilbing ehemplo ang katapatan, pagmamalasakit at walang halong pagsasalamantala sa gitna ng nararanasan nating krisis.
"Sa kanyang pagtanggi ay isang patunay na siya po ay may malasakit sa iba pa niyang mga ka-barangay na higit na nangangailangan ng ayuda. Alam naman natin na lahat ay apektado sa krisis ng COVID-19 pandemic, ngunit nangibabaw pa rin sa puso ni Ginang Whendy Pido ang KATAPATAN ng isang MABUTING mamamayan sa lipunan." pahayag ng DSWD Region XII.
Kinilala ang ginang na si Whendy Pido, 28 anyos, simpleng may bahay, nakatira sa isang barong-barong kasama ang sampung taong gulang na anak at ang kanyang mister na nagtatrabaho sa kalapit na barangay, sa probinsya ng Magpet, North Cotabato.
Ayon kay Whendy nagpasya syang isauli ang P5,000 dahil nakatanggap na umano ang kanyang mister sa kabilang barangay ng ayuda bahagi ng social amelioration program ng pamahalaan kaya minabuti niyang ibalik ang kanyang nakuha.
Naisip niya kasing nadoble na ang para sa kanilang pamilya kaya minabuti niyang ibalik ang pera para naman mabigyan pa ang ibang nangangailangan.
"Mas kailangan ito ng iba pang higit na nangangailangan dulot ng COVID-19 krisis sa aming barangay. Hindi ko po tinanggap dahil dahil dodoble na ang aming matatanggap na ayuda at alam ko po na maaari kaming makulong hinggil dito," ani Whendy.
Marami ang humanga sa katapatan at integridad ni Whendy dahil sa kabila ng matinding krisis na dala ng COVID-19, nakita pa rin sa kanya ang katapatan at pagsasa-alang-alang sa kapwa sa kabila ng matinding pangangailangan.
Bumuhos naman ang papuri sa mga netizens at nararapat lamang daw na pamarisan ang tulad ni Whendy na bagaman at hirap sa buhay, nakuha pa rin nitong isipin ang kapakanan ng iba.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:
"Sana lahat ng Pilipino may pusong katulad mo! Hindi ung kahit patay ilista para makakurakot ng malaki. God bless you kabayan!"
"Dapat ganyan ang tularan ng iba ...ung iba kc pinagsasamantala, biruin nyo po may binata pa na nabigyan ng sac form at nakatanggap ng pera"
"Yan ang tularan nyo tga DSWD tapat na kyo ng bahay laktawan nyo pa,sana tapat tapat kc bawat bahay dw...maging tapat kyo sa obligasyon nyo at ma bless kyo ni Lord at uunlad at lalawig ang inyong buhay!!!d ba para lahat ay masaya kong may pagkakaisa...wala pang makulong..."
"Very honest ka Ate !! Saludo ako sau ! Sana marami pang katulad mo ..God bless u & your family !!! Ingat po !!"
"Very honest God bless you isa kang tunay na Pilipino ate"
"Ganitong tao ung mga deserved tlga mkatanggap. ndi abusado at may mabuting kalooban"
"Napakabuti mo ate, sana mabiyayaan ka pa dahil sa ginawa mo"
"Ito ang masarap tulungan, yung mga taong busilak ang kalooban"
0 Comments